Hindi nag-iisa si Korina Sanchez-Roxas sa mga kilalang personalidad na kumilos at nagpunta ngayon sa Batangas para tulungan ang abandoned animals na naapektuhan ng phreatic eruption ng Taal Volcano noong January 12.
Ngayong Huwebes ng umaga, January 16, ibinalita ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na personal na nagpunta si Heart Evangelista sa kanilang tanggapan dahil nagdala ang aktres ng mga donasyon para sa mga hayop na biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.
Sinorpresa rin ni Heart sina Buster, Aya, at Ashes, ang tatlong aso mula sa Taal na iniligtas ng PAWS at nasa pangangalaga nila sa kasalukuyan.
Si Heart ang spokesperson ng PAWS.
Hindi lamang ang mga asong naapektuhan ng Taal Volcano eruption ang inililigtas ng PAWS dahil tinutulungan din nila ang mga kabayo.
Kaya wala nang dapat ipag-alala si Vice Ganda na nag-tweet noong January 13 ng “Horses died in Taal. Walang halong joke sobra akong nalungkot. Di ko natapos yung video naiiyak ako.”
Ginagawa ng PAWS ang lahat ng paraan para mailigtas ang mga kabayong stranded sa mga bayan na apektado ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.
So far, 30 sa tatlong libong bilang ng mga kabayo ang nailigtas ng mga may-ari sa kanila at ng PAWS.
Ayon sa Facebook post ng PAWS noong January 14: "The owners of the horses of Taal Island took action this morning when they heard the news that the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) will no longer evacuate the horses and that animal rescuers were not being allowed to go to the island.
“'Wala namang maasahan so kami na lang,' (We were not expecting any rescue, so we did it ourselves) said one horse owner. One horse at a time, the horse owners took turns using 3 to 4 wooden boats and rowed over 50 kms to transport the horses to Balete, Batangas.
“PAWS found the group today after doing its feeding rounds for the affected dogs, cats and cattle in Talisay. Volunteer equine vets led by Dr. Modomo will attend to the horses tomorrow as PAWS tries to improve sheltering conditions of the tired and injured animals.”
Nagpapasalamat ang PAWS sa lahat ng mga nagpapadala ng pet food, livestock feed, tubig, at food bowls para sa kanilang rescue operations.
Para sa magnanais na magbigay ng donasyon (dog food, cat food, freshly-cut grass para sa mga kabayo at cattle), patuloy na tatanggap ang PAWS sa opisina nito sa PAWS Animal Rehabilitation Center sa Aurora Boulevard, Katipunan Valley, Loyola Heights, Quezon City mula Lunes hanggang Sabado, 9 A.M. hanggang 6 P.M.
Maaari namang i-deposit ang mga cash donation sa PAWS PNB Account Number 188870015305 at PAWS BPI Account No 3943-0086-11.