Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Boobay, inamin ang health scare sa rehearsal ng pilot episode ng All-Out Sundays

by Jojo Gabinete
Jan 17, 2020
Boobay on his latest health scare: "Pagod kasi ako ng araw na yun. Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa labas na ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang ingatan ang kalusugan niya ang ipinaalala namin sa comedian na si Boobay nang magkita kami noong Miyerkules, January 15.

Ito ay dahil nakarating sa amin ang balita tungkol sa kanyang health scare na nangyari noong January 4, 2020 habang nasa rehearsal siya para sa January 5 pilot telecast ng All-Out Sundays ng GMA-7.

Hindi itinanggi ni Boobay ang balitang biglang nabulol ang kanyang pagsasalita habang binabasa niya ang mga nakasulat sa teleprompter.

Kuwento niya, "Pinilit kong labanan, pero wala talaga.

"Binasa ko from the top ang nakasulat sa teleprompter, pero nag-hang talaga ako."

Aminado si Boobay na siya natakot dahil baka nagkaroon uli siya ng stroke na unang nangyari noong November 2016.

Sinabi ni Boobay na hindi na niya tinapos ang rehearsal para sa All-Out Sundays dahil pinauwi na siya ng medical personnel ng GMA-7 para magpahinga.

Ipinaalaala rin sa kanyang huwag na masyadong magpapagod at huwag na huwag kalilimutan ang pag-inom ng mga maintenance medicine niya.

Continue reading below ↓

"Pagod kasi ako ng araw na yun. Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa labas na ako," paliwanag ni Boobay tungkol sa pagbaba ng kanyang resistensiya noong January 4.

Kinabukasan, masiglang-masigla si Boobay sa live broadcast ng All-Out Sundays at walang anumang indikasyon na nagkaroon siya ng health scare.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Iginiit ni Boobay na pinag-iingatan na niya nang husto ang kanyang kalusugan kaya limitado na lang ang mga show niya sa mga comedy bar dahil bawal na sa kanya ang mapuyat.

Pero sinabi namin kay Boobay na masama pa rin sa kalusugan ang mga usok ng sigarilyo na nalalanghap niya sa mga comedy bar na kanyang pinagtatanghalan.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay on his latest health scare: "Pagod kasi ako ng araw na yun. Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa labas na ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results