Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Protégé winner Krizza Neri, binisita at tinulungan si Lovely Embuscado

by Jojo Gabinete
Feb 2, 2020
Sa wakas ay nagkita na ang Protégé winner na si Krizza Neri (kaliwa) at ang kanyang batchmate na si Lovely Embuscado (kanan) kahapon, February 1.

Nagkita na nang personal sina Krizza Neri at Lovely Embuscado kahapon, Pebrero 1.

Si Krizza ang grand winner ng Protégé: The Battle for the Big Break, ang reality-based singing talent show ng GMA-7 noong 2011.

Kabilang si Lovely sa mga finalists ng singing contest.

Nang mabasa ni Krizza ang January 30 report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa paninirahan ni Lovely sa kalye sa Quezon City, nakipag-ugnayan siya agad sa Cabinet Files para matukoy ang kinaroroonan ng kanyang kaibigan at batchmate sa Protégé.

Dapat sana ay pupuntahan ni Krizza ang kinaroroonan ni Lovely noong Biyernes, January 31, pero inuna muna niya ang pag-aasikaso sa benefit show para sa homeless singer.

Sa wakas, nangyari ang pagkikita ng dalawa kahapon.

Ayon kay Krizza, nakikilala pa rin siya ni Lovely sa kabila ng depression na pinagdaraanan ng huli.

Ang patirahin si Lovely at ang ina nito sa kanyang bakanteng condominium unit sa Malate ang original plan ni Krizza.

Continue reading below ↓

Pero ayaw iwanan sa kalye ng ina ni Lovely na si Daisy Embuscado ang kinakasama nitong si Nelson.

Gustung-gusto ni Daisy makabalik sa showbiz ang kanyang anak sa buong pag-asang ito ang makakapagparaos sa kanila sa kahirapan at muling makatikim ng kaunting kaginhawahan sa buhay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Napag-alaman ng Cabinet Files na dalawang taon pa lamang ang relasyon ni Daisy kay Nelson, at tutol si Lovely sa relasyon nila.

Dahil ayaw pumayag ni Daisy na hindi kasama si Nelson sa condominium unit na libreng ipinagagamit ni Krizza, nagdesisyon si Krizza na i-check in na lamang sina Lovely, Daisy, at Nelson sa isang hotel sa Quezon City na malapit sa Kapuso Foundation ng GMA Network.

Ang Kapuso Foundation ang isa sa mga tumutulong para maipagamot si Lovely at magkaroon sila ng ina ng temporary shelter.

Kabilang si Krizza sa mga taong may mabubuting kalooban na gumagawa ng paraan matulungan si Lovely para malutas ang mga problema nito.

Continue reading below ↓

BENEFIT SHOW

Tuloy na tuloy na sa February 8 ang benefit show para kay Lovely.

Magaganap ito sa Zirkoh, ang comedy bar na pag-aari ni Allan K sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Tuwang-tuwa si Krizza dahil pumayag mag-perform sina Jaya at Aiza Seguerra sa benefit show para kay Lovely.

Si Jaya ang mentor ni Lovely sa Protégé, samantalang si Aiza ang mentor ni Krizza sa defunct talent show ng Kapuso Network.

Samantala, patuloy na nakatatanggap ang Cabinet Files ng inquiries mula sa concerned citizens na nagnanais makapagbigay ng tulong kay Lovely.

Para sa mga gustong makatulong, mas mainam na suportahan at panoorin ninyo ang benefit show ni Krizza para kay Lovely.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa wakas ay nagkita na ang Protégé winner na si Krizza Neri (kaliwa) at ang kanyang batchmate na si Lovely Embuscado (kanan) kahapon, February 1.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results