Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Lovely Embuscado, umaasang mababalikan ang singing career

by Jojo Gabinete
Feb 8, 2020
Kumpara nung una namin siyang nakausap, ibang-iba na ang behavior ni Lovely Embuscado nang makita namin siyang muli. Ngunit malinaw na kailangan niyang mapatingnan sa isang psychiatrist dahil sa kanyang mga inaasal at sinasabi.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Excited na ang former Protégé Season 1 finalist na si Lovely Embuscado na muling kumanta sa benefit show para sa kanya.

Gaganapin ang benefit show sa Zirkoh sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, ngayong gabi, 8 p.m., February 8.

Idea ni Protégé Season 1 grand winner Krizza Neri ang benefit show para matulungan si Lovely at ang ina nitong si Daisy Embuscado.

Si Krizza ang sumagip sa mag-ina mula sa paninirahan sa isang bangketa sa Quezon City noong February 1.

Sa tulong at kabutihan ng kalooban ni Krizza, pansamantalag nanunuluyan sina Daisy at Lovely sa isang apartelle sa Tomas Morato, Quezon City, habang hindi pa malinaw ang magiging kapalaran nila pagkatapos ng benefit show sa Zirkoh.

Noong January 30, 2020, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging homeless ni Lovely at ng kanyang ina, ang pag-iyak niya habang kinakanta ang "The Prayer," at ang kanyang wala sa sariling pagsasalita.

Continue reading below ↓

Kagabi, February 7, muling nakausap ng Cabinet Files si Lovely sa apartelle na tinutuluyan nila ng kanyang ina at stepfather.

Ibang-iba na ang behavior ni Lovely dahil masaya na siya, medyo nadagdagan ang timbang, at punumpuno ng pag-asang mababalikan niya ang pagkanta.

Nasasagot na ni Lovely ang aming mga tanong, pero malinaw pa rin ang katotohanang kailangan niyang mapatingnan sa isang psychiatrist dahil sa kanyang mga inaasal at sinasabi.

Ipinaalala namin kay Lovely na umiyak siya sa aming unang pagkikita habang kinakanta niya ang "The Prayer."

Sagot niya, "Kasi na-bless ako noon sa simbahan, nagdasal kami.

"Hiniling ko sa Panginoon,' Lord, ano ba yung paborito kong bulaklak?'

"Sabi naman ng Panginoon, ‘Ang paborito mong bulaklak ay puti…'"

Nagkaroon ka ba ng depression dahil hindi mo matanggap na nawalan ka ng singing career?

Sabi ni Lovely, "Oo, idol ko kasi si Alyssa Buenaobra na galing sa X Factor.

"Nanalo kasi siya doon na first runner-up, 'tapos kumanta siya sa ibang bansa. 'Tapos nakabalik siya uli sa Maynila…."

Continue reading below ↓

Paano mo tutulungan ang sarili mo para gumaling ka? Ikaw lang ang puwedeng tumulong sa sarili mo.

"Hihintayin ko lang ang ten years para gumaling ako, kasi kailangan mawala yung kilig ko… ay, mga twenty years.

"Hihintayin ko, Lord, please sana makarating ako ng twenty years, Lord. Ibigay Mo sa akin ‘yan…"

Ano ang mga pangarap mo ngayon?

"Ang kumanta lang muna pansamantala. Hintayin ko yung pagtanda ko…"

Nang hilingin naming kantahin niya ang "The Prayer" na hindi siya umiiyak, nagpaunlak si Lovely.

Pinatunayan niyang sa kabila ng kanyang mental health condition, taglay pa rin niya ang boses na hinangaan nang sumali siya sa Protégé noong 2011.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpara nung una namin siyang nakausap, ibang-iba na ang behavior ni Lovely Embuscado nang makita namin siyang muli. Ngunit malinaw na kailangan niyang mapatingnan sa isang psychiatrist dahil sa kanyang mga inaasal at sinasabi.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results