Ryza Cenon, ibinahagi kung paano sinagip ng kapatid ang kanyang buhay

by Jojo Gabinete
Feb 18, 2020
PHOTO/S: @iamryzacenon Instagram

Inamin ni Ryza Cenon, 32, na sumagi sa isip niyang wakasan ang sariling buhay dahil sa matinding depression na pinagdaraanan noong 2015.

Pero ang tawag sa telepono ng kapatid niya ang nagpabago sa kanyang desisyon.

"That time, nasa depression ako.

"Nakakulong lang ako sa room ko, 'tapos walang ilaw, hindi ako naliligo, hindi rin ako kumakain.

"Matagal din, almost one week.

"Umiiyak ako dahil sobrang nasaktan... Pero kapag may trabaho, parang wala yung depression.

"Ang nangyari, nasa point na ako na magsu-suicide, pero buti na lang, tumawag yung kapatid ko, nag-usap kami."

Limang taon na raw ang nakararaan mula nang mangyari iyon.

Nasa loob daw noon si Ryza ng comfort room nang biglang nag-ring ang cellphone niya.

Ang kanyang kapatid na lalaki ang nasa kabilang linya.

"Hindi ko makontak ang kapatid ko kasi nasa ibang bansa siya.

"Nag-post ako sa Facebook, tinag ko siya, 'Kuya, tumawag ka, please?'

"May ganoong moment na kapag nandoon ka sa ganoong situation, parang meron kang last call.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung hindi ka tatawagan, puwede mong gawin."

Malaking tulong daw ang pag-uusap nilang iyon ng kapatid para maliwanagan ang kanyang isip.

"Sinabi niya na, 'Lahat naman ng tao, nagkakaroon ng problema. Kailangan mo lang, tatagan ang loob mo. Nandito lang kami.'"

Ang pagpipinta ang napagtuunan ni Ryza ng atensiyon nang makaranas siya ng depression.

Ito ang dahilan kung bakit dark at morbid ang tema ng artworks niya, ayon sa mga bumisita sa art exhibit ni Ryza noong June 2016.

"Doon pumasok yung painting, yun ang naging outlet, doon ko inilabas ang depression ko.

"Hindi ako nakakapag-paint kapag masaya ako, kailangan wasak ako. Mas mabilis po ako mag-paint kapag wasak talaga ako.

"Noong nag-paint ako, under depression talaga ako," pag-amin ni Ryza.

Pero natatawa na lang ang Kapamilya actress kapag naaalala ang madilim na yugto ng kanyang buhay noon.

Lalo pa't naging abala siya sa trabaho.

Noong 2019, gumanap siyang kontrabida sa ABS-CBN prime-time serie na The General's Daughter, na pinagbidahan ni Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling napanood si Ryza sa kanyang cameo appearance sa ABS-CBN prime-time series na A Soldier's Heart.

Noong February 6, dumalo si Ryza sa story conference para sa gagawin niyang Viva Films movie na may working title na Kunwari Mahal Kita.

May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng depression. Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @iamryzacenon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results