Vhong Navarro, nami-miss na ang madlang pipol sa It's Showtime

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2020
Vhong Navarro, nag-video ng It's Showtime studio na nagmistulang playground ng celebrity hosts. "Madlang-pipol, nami-miss na namin kayo! We love you!"
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / It's Showtime Facebook

Gaya ng Eat Bulaga! sa GMA-7, sinuspinde ng ABS-CBN ang pagtanggap ng audience sa studio ng It’s Showtime, mula kahapon, March 10.

Naging malawak na playground para kina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro ang It’s Showtime studio dahil tila mga bata silang naghabulan kahapon sa audience gallery.

Aminadong nanibago si Vhong sa pansamantalang pagkawala sa studio ng madlang-pipol.

"Ang hirap kasi ten years naming kasama sa studio ang madlang-pipol, tapos bigla silang nawala. Ang laki ng pagbabago," sabi ni Vhong sa Cabinet Files.

"Ang tahimik, tapos yung magpapatawa ka, wala kang nakukuha na reactions.

"Kapag pagod kasi kami, sa kanila kami kumukuha ng lakas dahil sa mga ngiti at saya nila.

"Ngayon, mas doble ang effort namin para mapaabot ang saya sa televiewers."

Sunud-sunod din ang Instagram Stories ni Vhong kung saan makikitang walang tao sa audience gallery.

Hindi napigilang bulalas ni Vhong, "Madlang-pipol, nami-miss na namin kayo! We love you!"

Continue reading below ↓


Walang katiyakan kung kailan muli magpapapasok ng audience sa studio ng It’s Showtime dahil matindi pa ang pangamba ng lahat sa COVID-19.

Ngayong hapon, March 11, kinumpirma ng Department of Health na umabot na sa 49 ang bilang ng mga Pilipino na positibo sa COVID-19.

Sabi sa public advisory ng DOH:

Continue reading below ↓

"DOH reported 16 additional positive COVID-19 cases, bringing the total number of confirmed cases in the country to 49.

"The DOH and deployed surveillance teams are now conducting extensive information-gathering and contact tracing activities on the new cases.

"DOH will provide further details as soon as the information is available.

"As of today, PH25-PH28, PH30-PH33 are all in stable condition.

"PH29, a known contact of PH9, is intubated and has underlying cardiovascular and endocrine conditions.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro, nag-video ng It's Showtime studio na nagmistulang playground ng celebrity hosts. "Madlang-pipol, nami-miss na namin kayo! We love you!"
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results