Janno Gibbs, hindi na nakapagpaalam sa tita niyang si Liberty Ilagan

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2020
Punanaw ang tiyahin ni Janno Gibbs na si Liberty Ilagan noong March 15, ang araw kung kailan ipinatupad ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

Hindi nakapagpaalam nang maayos si Janno Gibbs sa pumanaw niyang tita—ang dating Sampaguita contract star na si Liberty Ilagan.

Si Liberty ay nakatatandang kapatid ng ina ni Janno na si Maria Fe "Baby" Gibbs.

Binawian ng buhay ang 76-year-old former actress noong March 15, ang araw na ipinatupad sa Luzon ang enhanced community quarantine.

Dahil ipinagbawal na sa panahon ng quarantine ang mass gathering, hindi na siya napuntahan ni Janno at ng pamilya nito.

"Yes, sadly, hindi pa kami nakapagpaalam kay Auntie Liberty," malungkot na sabi ni Janno sa Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, April 6.

Nangungulila rin ang singer-comedian sa kanyang mga magulang, sina Ronaldo Valdez at Baby, na matagal na niyang hindi nakikita mula nang ideklara ang enhanced community quarantine.

"I haven’t visited my parents since mag-umpisa ang enhanced community quarantine. I miss them.

"After all of this, I will not take all the little things for granted," sabi ni Janno.

Continue reading below ↓

"DEAR QUARANTINE"

Ang enhanced community quarantine ang dahilan kaya muling napakinabangan ni Janno ang husay nito bilang song composer.

Nakabuo siya ng bagong kanta.

Tinawag niya itong ang "Dear Quarantine," na inspired ng kanyang matagal na pamamalagi sa loob ng kanilang tahanan.

"Marami nang gumagawa ng songs about hope, celebrating our frontliners, pagbangon ng ating bansa.

"I just wanted to write about the real sentiments of the common man in quarantine.

"Yung mga hinaing nating lahat," paliwanag ni Janno tungkol sa history ng "Dear Quarantine."

Kapag natapos na ang health crisis na dala ng COVID-19, looking forward si Janno na ipagpatuloy ang shooting ng kanyang mga naudlot na movie project.

"May last few days na lang sana kami sa bagong movie namin nina Andrew E. at Dennis Padilla, yung Condo/Pakboys.

"At may bago na naman ako with Xia Vigor, ang Instructions Not Included,” banggit ni Janno, na nasa ilalim ng Viva management ngayon.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Punanaw ang tiyahin ni Janno Gibbs na si Liberty Ilagan noong March 15, ang araw kung kailan ipinatupad ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results