Zanjoe Marudo, minura ang mga nagbubunyi sa pagsasara ng ABS-CBN

by Jojo Gabinete
May 6, 2020
Hindi nagpigil ang aktor na si Zanjoe Marudo sa paghahayag ng galit sa mga nagbunyi sa pagsasara ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram

Malutong na mura ang pinakawalan ni Zanjoe Marudo para sa mga taong nagpakita at nagpahayag ng kasiyahan sa pagsasara ng ABS-CBN.

Hindi maipagkakailang matinding sama ng loob ang nag-udyok sa aktor kaya lumitaw ang pagiging Batangueño nito nang i-post niya sa Instagram ngayong Miyerkules ng umaga, May 6, ang saloobin tungkol sa nangyari sa ABS-CBN.

Kalakip ang logo ng ABS-CBN na nasa itim na background, ito ang mensahe ni Zanjoe:

"Sige tumawa kayo, pero t*ng*na nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!”

Nilagyan niya ito ng hashtags na #staystrong at #doubledead.

Continue reading below ↓

Kasunod ng malutong na pagmumura ni Zanjoe ang paliwanag na para sa mga taong nagbubunyi sa pagsasara ng Kapamilya Network ang kanyang post.

Saad niya: "Alam namin bakit sinara!

"Ang post na ito ay para sa mga nagbubunyi at tuwang-tuwa na isinara ang ABS.

"Ano ba yan, lahat kailangan word for word.

"Napakasimpleng salita, hindi maintindihan. Haaayy Pilipinas kong mahal."

Isang netizen ang sumagot at minura rin ang aktor: “T*ng ina ka rin Zanjoe. Alamin mo kung bakit pinasara."

Sagot dito ng aktor: "Alam ko kung bakit sinara! Minumura ko yun mga tuwang-tuwa."

Isa lamang si Zanjoe sa mga contract stars ng Kapamilya Network na hindi natakot ipahayag ang kanilang nararamdaman tungkol sa utos na cease and desist ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN.

Bumula rin sa mura ang bibig ni Angelica Panganiban sa reaksiyon nito sa Instagram post ni Zanjoe.


Continue reading below ↓

Malaki ang naitulong ng ABS-CBN kay Zanjoe.

Ang TV network ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa showbiz mula nang sumali siya sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother noong February 2006.

Utang na loob ni Zanjoe sa Kapamilya Network ang kung sino at ano ang meron siya ngayon dahil natupad ang lahat ng mga pangarap niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagpigil ang aktor na si Zanjoe Marudo sa paghahayag ng galit sa mga nagbunyi sa pagsasara ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results