Halos isang oras inabot ang sponsorship speech ni House Speaker Alan Peter Cayetano bago inaprubahan ng Kongreso ang House Bill No. 6372 ngayong Miyerkules, May 13.
Ang House Bill No. 6372 ang panukala upang pagkalooban ng provisional franchise ang ABS-CBN hanggang October 31, 2020.
Kabilang ang mga artista ng ABS-CBN sa mga pinangaralan at pinaalalahanan ni Cayetano sa kanyang speech.
Matapos ipasara ang ABS-CBN noong May 5, hindi na tumigil ang Kapamilya stars sa pagpapahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng social media, at paglalabas ng galit sa mga nasa likod nito.
Kabilang sa sinisisi nila sa pagpapasara ng kanilang home network ay ang National Telecommunications Commission (NTC), si Solicitor General Jose Calida, at ang Kongreso.
Ayon sa house speaker, mahalaga ang pagiging loyal sa kumpanyang nagbigay sa kanila ng magandang buhay.
Pero hindi raw sila maaaring humingi ng katarungan at sisihin ang mga pulitiko kapag nawalan sila ng pagkakakitaan at show, nang hindi nila ina-acknowledge na may mga seryosong alegasyon laban sa kanilang network.
Pahayag ni Cayetano: "To the celebrities of ABS-CBN, yes, marami kayong fans dito sa Congress.
"But please be reminded that loyalty to the company that has given you a good life is important, but you cannot cry injustice and blame public servants when you lose your paycheck or your show, yet not take notice of the fact—yes, the fact—that there are grave issues against your network.
"These include alleged violations, again, alleged violations, of labor laws, tax laws and even constitutional law. Even election laws."
Dagdag pa niya: "By all means, let your voices of support for your network be heard.
"By all means, sabihin natin sa mga kababayan ang magandang nagawa ng network.
"But of you really want to join the public debate, find it in your indignation to also support due process and fact finding as this issue is imbued with public interest—not just your interest."
TRILLANES'S REACTION
Samantala, may reaksiyon si former Senator Sonny Trillanes IV sa mga pahayag ni Speaker Cayetano tungkol sa panukala nito para pagkalooban ng provisional franchise ang ABS-CBN.
Tweet nito: "Masyado madrama.
"Prove me wrong, Mr. Cayetano!
"Enough talk. Pass the ABS-CBN franchise renewal bill ASAP.
"Until that happens, isa ka pa ring #Bolero #Sinungaling at #Paasa"