Mark Herras, idinaan sa dessert ang pagpu-propose kay Nicole Donesa

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2020
Nicole Donesa to fiance Mark Herras: "Life is a beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of this life with you @herrasmarkangeloofficial, in any way we possibly can."
PHOTO/S: Instagram

Ang paglalagay ng diamond engagement ring sa loob ng ice cream can ang sorpresa na naisip ni Mark Herras nang mag-propose ang aktor sa kanyang fiancée na si Nicole Donesa.

Nang i-post ni Mark sa Instagram ang tungkol sa engagement nila ni Nicole ngayong Biyernes, June 5, hindi siya nagkuwento tungkol sa mga nangyari nang alukin niya ng kasal ang kanyang girlfriend.

Continue reading below ↓

Si Nicole ang nagbahagi sa kanyang social media followers sa paraan na ginawa ni Mark para sorpresahin siya.

“We were eating dinner, and when it was time for desserts, this was what came to my surprise.

"Just when I thought the world was ending, a miracle happened," sabi ni Nicole.

Kalakip ng post niya ang larawan ng ice cream can na may lamang diamond engagement ring.

Sabi pa ni Nicole sa caption: "Life is a beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of this life with you @herrasmarkangeloofficial, in any way we possibly can. Thank you God."

Continue reading below ↓

Kinumpirma nina Mark at Nicole ang kanilang relasyon noong August 2019.

Nag-umpisa ang pagkakamabutihan nila sa set ng Bihag, ang afternoon drama series ng GMA-7 na napanood sa telebisyon mula April 1, 2019 hanggang August 16, 2019.

Higit na nakilala nina Mark at Nicole ang ugali ng isa’t isa nang ideklara ang total lockdown o enforced quarantine sa Luzon noong March 15 dahil sila ang magkasama sa TikTok videos ng aktor.

Ang paggawa ng TikTok videos ang isa sa mga pinagkaabalahan ni Mark habang ipinatutupad sa Luzon ang ECQ.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicole Donesa to fiance Mark Herras: "Life is a beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of this life with you @herrasmarkangeloofficial, in any way we possibly can."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results