Joey Paras, muling umapela ng pinansiyal na tulong para sa kanyang heart surgery

by Jojo Gabinete
Jun 15, 2020
Joey Paras: "Pasensiya na po kung masyado akong makulit. Nananawagan lang ako. I guess, during desperate times, it’s not really desperate to find and ask for help just to save your own life."
PHOTO/S: Instagram

“Please help me. Please have mercy on me.”

Ito ang nagsusumamong pahayag ng comedian na si Joey Paras sa kanyang bagong video message kagabi, June 14, para sa mga taong may mabubuting kalooban at makatutulong sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa naisasakatuparan ang angioplasty procedure na gagawin sa kanya.

Ang angioplasty ay isang operasyon kung saan bubuksan ang mga baradong blood vessels sa puso.

Naka-confine si Joey sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, at kuha ang kanyang appeal video mula sa private room na kinaroroonan niya.

Unang nanawagan si Joey sa kanyang mga kaibigan, noong June 6, na tulungan siya dahil Php750,000 ang kailangan sa angioplasty procedure na gagawin sa kanya.

Noong unang linggo ng June 2020, isang Alegria Marta Tanglao ang nagbukas ng account sa crowdfunding site na GoGetFunding para kay Joey dahil sa kagustuhan nilang makalikom ng Php 750,000.

Sa kasalukuyan, umabot na sa Php 62,300 ang mga donasyong pera na natanggap ng komedyante.

Continue reading below ↓

Sa kanyang second appeal video kagabi, may nakakabit na oxygen kay Joey dahil sinusumpong siya ng irregular heartbeat kaya nahihirapan siya sa paghinga.

Pero pinilit niyang magsalita para maiparating sa lahat ang kanyang mensahe.

Pahayag niya, "I’m doing this video again just to inform you na naka-admit na ako sa isang ospital sa Maynila, and hindi na lang namin magawa yung procedure because of lack of money, as we all know.

"I’m here once again begging all of you to please donate whatever you can.

"Wala pong pilitan ito, kung ano lang po yung gusto ninyong maitulong para sa akin, maging dasal man ‘yan, suporta, panalangin.

"But most especially, if you wanna give a financial support, it would be better kasi para matuloy na po yung angioplasty ko.

"I just do hope na lahat ng prayer warriors ko diyan, lahat ng followers, fans, friends would pray for me, for my operation na matuloy na.

Continue reading below ↓

"I think it would be better if you will send your donation thru my bank accounts, thru my BPI checking account and my saving account sa BDO, and my GCash account."

Ayon kay Joey, ang coronavirus pandemic at ang kawalan ng trabaho ang dahilan kaya humihingi siya ng financial assistance.

Continue reading below ↓

"Medyo mahirap ngayon sa akin ang magsalita kasi kagabi pa ako inaatake ng irregular heartbeat.

"Pero I just really took this chance to thank you all once again for helping me so please bear with me.

"Pasensiya na po kung masyado akong makulit. Nananawagan lang ako.

"I guess, during desperate times, it’s not really desperate to find and ask for help just to save your own life.

"The right to live is a gift of God, and I still do wanna live and believe that God has a great purpose for me at bahagi kayo nun.

"Mahal na mahal ko kayong lahat.

"Sa lahat ng tumulong, maraming salamat sa inyo, magkikita tayo at ipanalangin po ninyo ang operasyon ko," apela ni Joey.

Continue reading below ↓

THIRD HEART SURGERY

Ang nakatakdang angioplasty procedure para kay Joey ang pangatlong beses na heart surgery sa kanya.

Unang sumailalim si Joey sa angioplasty procedure noong October 2016.

Noong July 2018, nilagyan naman siya ng cardiac resynchronization device o pacemaker sa St. Luke’s Medical Center BGC para tumibok nang tama ang puso niya.

Sa panayam kay Joey ng 24 Oras noong July 2018, sinabi niyang umabot sa isang milyong piso ang kanyang hospital bill at hindi siya handa noon sa malaking gastos.

"So lesson learned, dapat tayong mga artista, may savings talaga tayo para sa health natin, and I can really tell na I was really unprepared financially," sabi ni Joey tungkol sa kanyang karanasan.

Masuwerte si Joey dahil sa kanyang Sunday PinaSaya co-stars tulad nina Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, at Alden Richards na nagbigay noon ng financial help kaya lubos ang pasasalamat niya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Joey Paras, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey Paras: "Pasensiya na po kung masyado akong makulit. Nananawagan lang ako. I guess, during desperate times, it’s not really desperate to find and ask for help just to save your own life."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results