Joseph Estrada, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigang si Ramon Revilla Sr.

by Jojo Gabinete
Jun 26, 2020
"Isa sa aking mga kasamahan sa pinilakang tabing, kapwa senador at kaibigan ang yumao sa araw na ito: ang dating Senador Ramon Revilla, Sr.," says Joseph Estrada in an official statement this Friday night, June 26.
PHOTO/S: Joseph Ejercito Estrada Facebook

Ipinaabot ni former President Joseph Estrada ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni dating Senador Ramon Revilla, Sr.

Pumanaw si Revilla sa edad na 93, eksaktong 5:20 p.m. nitong Biyernes, June 26.

Bukod sa pagiging magkaibigan, kapwa naglingkod sina Estrada at Revilla bilang mga senador ng bansa.

Pareho rin silang nanggaling sa showbiz at malaki ang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Nitong gabi ng Biyernes, naglabas ng official statement ang 83-year-old na dating Pangulo at Manila mayor.

Tinawag niyang "Agimat" si Revilla, na sumikat bilang "Hari Ng Agimat" dahil sa mga patok na Pinoy action movies nito noon.

Pahayag ni Estrada:

"Isa sa aking mga kasamahan sa pinilakang tabing, kapwa senador at kaibigan ang yumao sa araw na ito: ang dating Senador Ramon Revilla, Sr.

"Iiwan ni 'Agimat' ang mga masasayang alaala sa showbiz industry kung saan nagpasaya siya ng maraming manonood na tumangkilik ng kanyang mga pelikula.

Continue reading below ↓

"Naging bahagi rin siya ng kasaysayan bilang Senador ng bansa.

"Ang Ejercito-Estrada family ay lubos na nakikiramay sa naiwang pamilya ni Senator Ramon Revilla, Sr."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Isa sa aking mga kasamahan sa pinilakang tabing, kapwa senador at kaibigan ang yumao sa araw na ito: ang dating Senador Ramon Revilla, Sr.," says Joseph Estrada in an official statement this Friday night, June 26.
PHOTO/S: Joseph Ejercito Estrada Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results