COVID-19 cases, patuloy na tumataas; pasaway na government officials, malakas ang kapit sa puwesto

by Jojo Gabinete
Jun 29, 2020
Bukod sa mga kalsadang kinukumpuni, ang private cars ang sinasabi ng marami na tunay ng puno’t dulo ng malalang trapik, lalo na sa EDSA, bilang suspendido pa rin ang pagbiyahe ng mga pampasaherong bus.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Ngayong Lunes, June 29, ang unang araw ng balik-operasyon sa Metro Manila ng mga UV Express.

Matagal hindi pumasada sa kalsada ang mga UV Express dahil sa enforced quarantine sa buong Luzon na ipinatupad simula noong March 15, 2020.

Malaking tulong at ginhawa para sa mga pasahero ang dahan-dahang pagbabalik ng operasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Pero hindi maiwasanng mangamba ng mga pasahero dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang muling pagpasada ng mga UV Express ngayong umaga ang itinuturo ring sanhi ng matinding traffic situation sa Quezon City Memorial Circle area, na may mga kalsadang inaayos.

Isang aktres ang nagdusa sa matagal na trapik sa nabanggit na lugar, kaya nananawagan siya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na lutasin ang problema sa lalong madaling panahon.

Bukod sa mga kalsadang kinukumpuni, ang private cars ang sinasabi ng marami na tunay ng puno’t dulo ng malalang trapik, lalo na sa EDSA, bilang suspendido pa rin ang pagbiyahe ng mga pampasaherong bus.

Continue reading below ↓

COVID-19 CASES and secretary duque

Isa si Senate President Tito Sotto sa nagpahayag kahapon, June 28, ng pagkaalarma sa hindi nababawasang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, habang pababa ang mga kaso ng coronavirus sa ibang Asian countries.

“Something is very wrong! I think it's the delay in actions and responses.

"That includes contact tracing and aggressive research on medications,” sabi ni Sotto.

Kabilang si Sotto sa mga senador na nanawagan noong Abril 2020 na magbitiw sa puwesto si Department of Health Secretary Francisco Duque III.

Noong June 19, inulit ni Sotto ang kanyang opinyon tungkol sa failure of leadership ni Duque sa coronavirus crisis sa Pilipinas.

"I'm tired of giving comments re Secretary Duque because it merely falls into deaf ears. It's his call.

"He should save the President from any predicament or responsibility in his tenure," pahayag ni Sotto sa panayam sa kanya ng mga reporter.

Pero mahigpit ang pagkapit ni Duque sa puwesto nito kaya hindi siya bumababa, sa kabila ng lumalakas na panawagan ng mga senador at ng publiko, dahil sa paniniwala niyang buong-buo ang tiwala at suporta sa kanya ni President Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Ang inaasal ni Duque ang dahilan kaya naaalaala namin ang kuwento tungkol sa guesting niya sa programa ng isang major TV network bago idineklara ni Duterte ang ECQ noong March 15.

Isang empleyado ng network na nakasuot ng face mask ang nakasabay ni Duterte sa elevator.

Imbes na purihin ang empleyado sa pag-iingat na ginagawa nito, sinita siya ni Duque dahil sa pagsusuot ng face mask.

KC MONTERO'S ARREST

Dinakip si KC Montero ng Makati Police kahapon, June 28, dahil sa paglabag umano sa physical distancing nang magpunta sila ng kanyang asawa sa isang restaurant-bar sa Makati City.

Maganda ang intensiyon ng Makati Police sa mahigpit na pagpapatupad nito sa quarantine restrictions.

Pero sa kasamaang-palad, hindi ito sineseryoso ng ibang mga Pilipino na sawang-sawa na sa kawalan ng delicadeza ng mga nakaupo sa pamahalaan.

Hindi rin nila nakakalimutan ang kontrobersiyal na mañanita at asalto party noong nakaraang buwan para kay National Capital Region Police Office chief Police Major General Debold Sinas.

Continue reading below ↓

Si Sinas ang dapat nangunguna sa pagpapatupad ng batas, pero kasama siya sa mga lumabag.

Isa ito sa mga dahilan kaya nagkaroon ng rason ang mga Pilipino para lalong maging pasaway. Kung hindi nabawasan, nawala ang tiwala nila sa kanya.

Sa tuwing may mga pag-aresto na ginagawa ang PNP dahil sa quarantine restrictions violation, hindi nawawala ang mga panunumbat ng publiko kay Sinas.

Nadadamay tuloy ang mga alagad ng batas na walang kasalanan at tunay na tapat sa kanilang mga tungkulin.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa mga kalsadang kinukumpuni, ang private cars ang sinasabi ng marami na tunay ng puno’t dulo ng malalang trapik, lalo na sa EDSA, bilang suspendido pa rin ang pagbiyahe ng mga pampasaherong bus.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results