Nagluluksa ang veteran actress na si Chanda Romero at ang pamilya niya dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Remedios "Meding" Romero.
Ang dreaded COVID-19 ang dahilan ng pagpanaw ng ina ni Chanda.
Binawian ng buhay si Nanay Meding noong June 30 sa Cebu Doctors Hospital, Cebu City.
"No words" ang caption ni Chanda sa larawan ng ina sa kanyang Facebook post nitong Biyernes ng hapon, July 3.
Ramdam sa maiksing pananalita ni Chanda ang masidhing kalungkutang nararamdaman.
Hindi na kasi nakauwi sa Cebu ang aktres, pati ang kanyang ibang mga kapatid, para makita sa huling pagkakataon at makadalo sa cremation ng kanilang ina.

PHOTO Chanda Romero Facebook: Young Remedios Romero
Nagpasalamat naman ang kapatid ni Chanda na si Marie Romero Wood sa lahat ng mga nagdasal para sa kanilang ina at pamilya.
Mensahe nito: “In behalf of my family, we deeply appreciate the overwhelming prayers, love and support during this difficult time.
"To the CDH staff, the frontliners who tirelessly cared for our Mother and countless others, we can't thank you enough.
"Special thanks to Dr. Tan, Dr. Barbas, Resident Dr. Shazna Bersaval and Dr. Lim.
"Let's continue to pray for the soul of our Mother, Remedios Romero, may she rest in peace with the Lord. Amen.
"We love you very much, Mother, until we meet again."
Noong June 19, 2020, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panawagan ni Chanda sa sinumang makapagbibigay ng plasma sa kanyang ina na tinamaan ng COVID-19.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika