Pastor Quiboloy, kinutya muli ang ABS-CBN matapos tuluyang mawalan ng franchise

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2020
Pastor Apollo Quiboloy on ABS-CBN: "If you only let me in your station and you gave a place for my preaching to go there and to be there, siguro ngayon mabe-bless pa kayo. Pagpapalain pa kayo ng Dakilang Ama."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Jerome Ascano

Hindi na naman pinalampas ni Pastor Apollo Quiboloy ang pagkakataong magsalita nang pinatay ng Committee on Legislative Franchises ng House of Representatives ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Kahapon, July 10, tuluyan nang isinara ng Kongreso ang pagdinig sa franchise renewal ng pinakamalaking broadcasting network sa Pilipinas.

Sa live broadcast ng programa niyang Give Us This Day sa SMNI TV kahapon, nagbigay ng opinyon ang Kingdom of Jesus Christ founder and leader.

Muling pinasaringan ni Quiboloy ang Kapamilya star na si Vice Ganda, na humamon sa kanya noong pahintuin ang traffic sa EDSA at patigilin ang Ang Probinsyano.

“O, di Vice Ganda, alam mo na ngayon, hindi kayo makapangyarihan!

"Ang Amang nasa langit ang makapangyarihan.

"O challenge accepted, ‘yan ang napala niyo, di ba?" pang-uuyam ng "The Appointed Son of God" at "The Owner of the Universe."

Panenermon pa ni Quiboloy, “So when you have influence, I told you, kapag kayo may impluwensiya kayo, sikat kayo, nakatingala ang mga tao sa inyo, be a good example. Huwag kayong magyabang.

Continue reading below ↓

“Ipakain ninyo yung mabuti. I-guide ninyo yung mga tao sa kabutihan, huwag yung kayabangan, tapos ang yayabang ninyo."

Kasunod nito ay pinuntirya ni Quiboloy ang mismong ABS-CBN.

“Marami pa kayong haharapin na cases ngayon, tax evasion, kaya huwag magyabang," sabi niya tungkol sa akusasyon laban sa network na hindi pa naman napapatunayan.

Patama pa niya sa Kapamilya network, "Huwag yung masyadong mataas ang lipad niyo. Parang untouchable na kayo.

"Napansin ko sa inyo, mga crew niyo kahit saan pumunta, basta may markang ABS-CBN, ang tataas ng paningin sa sarili.

"Dapat lahat tumabi ang tao, dapat kayo lang ang atensyunan.

"Ganyan ang napapansin ko, kayabangan yun.

"The Lord in heaven will not let you do that."

quiboloy's show in ABS-CBN cancelled

Nagkuwento rin si Quiboloy tungkol sa dati niyang programa sa ABS-CBN station sa Davao. Ito ay ang The Hour of Truth, na unang umere noong 1991.

Lahad niya, "Once upon a time, when I was beginning in this ministry, I had a program in your station here in Davao.

Continue reading below ↓

"And I had an early morning program, and it has blessed so many people all around the Mindanao area. It was a blessing to the people.

"I am receiving letters, letters that they have been blessed, and they were really watching that program and inaabangan talaga nila yun kada umaga.

"Kasagsagan yun na nakakapakain tayo ng mga salita ng Diyos sa buong Mindanao, sa estasyon niyo.

"You know what you did?"

Ayon kay Quiboloy, kinansela raw ang kanyang kontrata at ang programa niya'y pinalitan ng show tungkol sa sabong.

"You cancelled my contract, I think my contract already lapsed and you did not renew. Ang pakiramdam ko, kinansel, e.

"Alam niyo ang ipinalit niyo? Sabong ang ipinalit niyo. Sabong ang ipinalit.

"So, sa akin, sa loob-loobin ko, anong klase ang mga tao na 'to, espiritwal ang ipinapakain natin.

"Lalong pinagpala ang estasyon niyo kung ipinagpatuloy niyo. Hindi, e."

"messenger of god"

Inungkat din ni Quiboloy ang "slanting news" diumano ng ABS-CBN tungkol sa isyu ng illegal conversion ng lupa sa pag-aari niyang Prayer Mountain sa Davao City.

Continue reading below ↓

Paratang niya, "Kayo ang number one talaga sa mga slanting ng news.

"Ganoon kayo, kapag merong mga negative news ang Kingdom, number one kayo sa negative news, nauuna pa nga kayo.

"Ayaw ng Diyos ng mga ganyan. Ang yayabang niyo magsalita…"

Sinagot din ni Quiboloy ang obserbasyon ng isang viewer ng Give Us This Day na ang mga hamon sa kanya ni Vice Ganda ang diumano’y tunay na dahilan ng "pagkamatay" ng ABS-CBN.

Aniya, "I hope that they will give glory to God and not make fun of messengers of God like me.

"If you only let me in your station and you gave a place for my preaching to go there and to be there, siguro ngayon mabe-bless pa kayo. Pagpapalain pa kayo ng Dakilang Ama.

"But you’re not like that, e. All you see is money rin, e."

KASO ng rape laban kay QUIBOLOY dismissed

Si Quiboloy ay kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, noong 2016 presidential elections, ipinagamit ni Quiboloy ang kanyang private jet at helicopter sa noo'y Davao City mayor para magamit nito sa kampanya.

Nitong June 2020 ay ibinasura ng Davao City Prosecutor's Office ang mga reklamong rape, child abuse, at human trafficking laban kay Quiboloy at limang iba pa.

Ang nagreklamo ay isang babae na dating miyembro ng religious sect ni Quiboloy. Inakusahan niya ng rape si Quiboloy noong 2014.

Itinanggi ito ng founder at lider ng Kingdom of Jesus Christ.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pastor Apollo Quiboloy on ABS-CBN: "If you only let me in your station and you gave a place for my preaching to go there and to be there, siguro ngayon mabe-bless pa kayo. Pagpapalain pa kayo ng Dakilang Ama."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results