PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerard Salonga sa musicians na nagbunyi sa sinapit ng ABS-CBN: "Eto promise ko sa inyo: Hindi ko kayo kakalimutan."

Gerard Salonga, magtatanim ng galit sa mga nagbunyi sa sinapit ng ABS-CBN.
by Jojo Gabinete
Published Jul 14, 2020
Gerard Salonga: "Kapag dumating ang araw na kailanganin ninyo ako, para sa anumang dahilan, tatalikuran ko kayo."
PHOTO/S: Instagram

Naglabas ng sama ng loob si Gerard Salonga sa hindi pagkakaloob ng House Committee on Legislative Franchises ng bagong franchise sa ABS-CBN.

May dahilan para masaktan si Gerard sa “Yes” votes ng pitumpong (70) miyembro ng House of Representatives.

Ang nakababatang kapatid ni Lea Salonga ang musical director ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas sa Facebook post ni Gerard ang malalim na galit nito sa mga kasamahan sa industriyang natuwa nang hindi bigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN.

Prangka niyang sinabi na nagtatanim siya ng galit.

Mensahe ni Gerard: "May mga musiko akong kilala na natutuwa sa nangyari kanina sa ABS.

"Eto promise ko sa inyo: Hindi ko kayo kakalimutan.

"Masama man ito, marunong akong magtanim, magpalago, at magbitbit ng galit. Ok lang sa akin ang magkaroon ng kaaway.

"Kapag dumating ang araw na kailanganin ninyo ako, para sa anumang dahilan, tatalikuran ko kayo."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-react dito ang veteran singer na si Jim Paredes.

“They are evil ppl,” sabi ni Jim patungkol sa mga kasamahan nila sa music industry na nagbunyi sa nangyari sa ABS-CBN.


Makikita rin sa thread ng Facebook post ni Gerard na suportado ni Lea ang kanyang gagawing pagtatanim at pagpapalago ng sama ng loob laban sa mga taong minarkahan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“ I need a copy of this list!!!” ang sabi ni Lea.


RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerard Salonga: "Kapag dumating ang araw na kailanganin ninyo ako, para sa anumang dahilan, tatalikuran ko kayo."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results