Isa ba si Sarah Geronimo sa pinatamaan ni Angel Locsin?

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2020
Sarah Geronimo, Angel Locsin
Mabilis na dumepensa ang fans ni Sarah Geronimo (kaliwa). Ikinakabit ang pangalan ni Sarah sa naging speech ni Angel Locsin (kanan) sa Kapamilya noise barrage kagabi, Hulyo 18, kahit walang binabanggit na sinumang artista si Angel.
PHOTO/S: (Sarah) Noel Orsal | (Angel) Instagram/@therealangellocsin

Nag-trending sa social media mula kagabi hanggang ngayon ang "#ProtectSarahGAtAllCost."

Idinadamay ang pangalan ni Sarah Geronimo sa ginawang pagsasalita ni Angel Locsin sa noise-barrage protest action ng mga empleyado at talents ng ABS-CBN kagabi, July 18.

Ito ay kahit walang binanggit si Angel na anumang pangalan ng artista.

Naging apela ni Angel: “At mga kapwa kong artista na hindi nagsasalita, tatahimik pa ba kayo? Wala na kayong network!

"Kahit magpa-cute kayo sa Instagram, kahit mag-selfie kayo ng sad face. Hindi ninyo nadadamayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!

"Huwag kayong matakot! Wala na kayong proprotektahan na career or image! Nandito na tayo sa panahon na kailangan ninyo magsalita!”

Ang noise barrage ay bunsod ng hindi pagbigay ng prangkisa sa ABS-CBN ng 70 mambabatas sa Lower House.

Mabilis namang dumepensa ang mga tagahanga ni Sarah.


Continue reading below ↓

Sabi ng Sarah G fans: “ABS-CBN’s franchise renewal is not Sarah’s responsibility.

"You are wondering why Protect Sarah G AtAllCost is trending? Because of narrow minded people calling for support but also promoting hate. Don't forget RESPECT, this is our battle.

“Sarah Geronimo clearly knows her battleground. She simply does not engage on issues which need legal discussions and not social media clamor. We need to commend her for that. It's not neutrality but a good judgment. I, as a popster myself, need to Protect Sarah G AtAllCost.

“We support ABS-CBN because of Sarah G.Sarah contributed too much to the network so please stop bashing her.”

Ito ang ilan sa libo-libong mensahe ng suporta at pagtatanggol kay Sarah.

Nasubaybayan ng marami ang entertainment career ni Sarah na nagsimula noong 2002, kaya alam ng karamihan na hindi talaga ito nagsasapubliko ng nararamdaman.

Sa mahabang panahon ay hindi nga nasangkot si Sarah sa iskandalo at kontrobersya, maliban na lang nang magsimulang umibig ito at pilit inaalam ng media ang mga gusot sa pagitan ng kanyang mga magulang at kanyang mga manliligaw.

Continue reading below ↓

Ang pinagpistahan ang sekretong pagpapakasal ni Sarah at ni Matteo Guidicelli noong February 20, 2020 ang masasabing pinakamalaking kontrobersya sa personal na buhay ni Sarah, pero wala pa ring narinig ang publiko mula sa singer-actress.

Mula noong 2002 hanggang ngayon, masasabing disente at respetado ang personal at public image ni Sarah.

Lalo namang hindi nagpapa-cute si Sarah sa kanyang social media posts, kaya tiyak na hindi siya ang pinariringgan ni Angel.

Iba’t ibang pamamaraan ng pagsuporta ang ipinapakita ng contract stars ng ABS-CBN bilang suporta sa kanilang mother studio.

May mga artistang palaban at aktibo sa mga protest rally.

May mga artistang masipag mag-post sa social media ng kanilang pakikipaglaban para sa ABS-CBN, dahil hindi sila lumalabas ng bahay dala ng lehitimong takot sa Covid-19.

May mga artista namang parehong aktibo sa social media at sa mga demonstrasyon, pero maaaring ginagawa nila ito para sa sariling interes.

May mga artista ring tahimik na sumusuporta sa ABS-CBN sa pamamagitan ng pagdarasal sa Diyos.

Continue reading below ↓

Mahirap ngang hinuhusgahan ang mga nagsasawalang-kibo.

Ngunit mahirap ding iniiwan lang sa iilan ang pakikisagupaan sa kasamaan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mabilis na dumepensa ang fans ni Sarah Geronimo (kaliwa). Ikinakabit ang pangalan ni Sarah sa naging speech ni Angel Locsin (kanan) sa Kapamilya noise barrage kagabi, Hulyo 18, kahit walang binabanggit na sinumang artista si Angel.
PHOTO/S: (Sarah) Noel Orsal | (Angel) Instagram/@therealangellocsin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results