Eyewitness, idinetalye ang kinasangkutang minor vehicular accident ni Daniel Padilla

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2020
Eyewitness in minor vehicular accident involving actor Daniel Padilla: "Bumilib ako sa kanya kasi napaka-down-to-earth na tao. Tapos humingi siya ng pasensiya dahil naging cause siya ng trapik."
PHOTO/S: Instagram / Reynaldo Duron

Idinetalye ng isang eyewitness ang minor vehicular accident na kinasangkutan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ngayong Miyerkules ng hapon, August 12.

Nabangga ng isang tricycle driver ang sportscar na minamaneho ng aktor sa kanto ng Dahlia at Regalado Avenue, Fairview, Quezon City.

Si Daniel at buong pamilya ay nakatira sa Fairview.

Ford Mustang "Eleanor" ang model ng sportscar ng 25-year-old actor.

Eksklusibong nakausap ng Cabinet Files ngayong gabi ang online seller na si Reynaldo Duron.

Si Reynaldo, 25, ang nag-upload sa Facebook ng mga larawan at video ng kinasangkutang aksidente ni Daniel, na naging dahilan kaya nag-trending ang aktor sa Twitter.

Continue reading below ↓

Ayon kay Reynaldo, nagpapadala siya sa isang express delivery center ng mga ukay-ukay na damit na order sa kanya nang maganap ang insidente.

"May narinig kaming sportscar na biglang huminto. Ewan ko kung anong nangyari, biglang nag-break si Daniel.

"After two seconds, may bumanggang tricycle sa sasakyan niya," bungad na kuwento niya.

"May mga gasgas po ang sportscar ni Daniel, may crack na paint.

"Hindi ko na po napansin kung tinted ang sasakyan niya, nakababa na po ang window niya nang makita ko."

DANIEL GIVES DRIVER P1,000

Pagkatapos nito ay inilarawan ni Reynaldo ang pakikipag-usap ni Daniel sa tricycle driver na nakabangga ng sasakyan ng aktor.

"Bumaba siya, hindi naman siya nagalit, pero siyempre may halong emosyon.

"Nagulat siya siguro, pero nag-usap po sila nang maayos ng tricycle driver, saka nakipag-cooperate silang dalawa."

Ayon sa eyewitness, "Sa tingin ko po, yung tricycle driver ang may kasalanan. Siya ang nasa likod, siya ang bumangga. Sobrang lapit niya."

Continue reading below ↓

Hindi raw alam ng ibang mga motorista na si Daniel ang sangkot sa aksidente.

"Yung mga dumaraang sasakyan, hindi naman nila alam na si Daniel Padilla, kasi naka-mask siya, cap, at saka shades.

"Pero kapag nasa malapitan ka, doon mo lang malalaman na si Daniel siya."

Nagkaroon daw agad ng malakas na kutob si Reynaldo na celebrity ang nagmamaneho ng sasakyang nabangga ng tricycle driver.

“Yung guts ko, parang si Daniel, kasi alam ko siya ang may ganoong sportscar.

"Nang lapitan ko siya, narinig ko ang boses niya... 'A, si Daniel nga!' Na-shock na rin ako."

Napag-alaman din daw ng eyewitness na nag-abot si Daniel ng isang libong piso sa tricyle driver.

"Tapos magkikita pa sila o mag-uusap at magtatawagan na lang kung kulang pa yung pera para pang-aayos ng motor na may damage din."

IDOL DANIEL

Bilib na bilib daw si Reynaldo kay Daniel dahil ito na nga ang naperhuwisyo, pero siya pa ang nag-alok ng tulong sa tricycle driver.

Continue reading below ↓

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Reynaldo malaman ang pangalan ng tricycle driver dahil nakatutok lamang ang atensyon niya kay Daniel sa insidenteng nangyari lamang sa loob ng labinlimang (15) minuto.

Lahad niya, "Nakakatuwa siya kasi yung iba, di ba, kapag nabangga ka, magagalit ka?

"Si Daniel po, nag-e-explain nang maayos. Narinig ko sinabi niya na siya na lang ang magbabayad sa motor.

"Tapos, pinalalayo niya kami sa kanya para may social distancing."

Patuloy ni Reynaldo, "Sasabihin ko sana sa kanya, 'Idol, picture tayo.' Kaso, parang feel ko, ayaw niyang maisyu ng social distancing.

"Sabi niya, 'Okey na ‘yan, sige na.' Tinapik na lang niya ako sa braso.

"Bumilib ako sa kanya kasi napaka-down-to-earth na tao. Tapos humingi siya ng pasensiya dahil naging cause siya ng trapik."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eyewitness in minor vehicular accident involving actor Daniel Padilla: "Bumilib ako sa kanya kasi napaka-down-to-earth na tao. Tapos humingi siya ng pasensiya dahil naging cause siya ng trapik."
PHOTO/S: Instagram / Reynaldo Duron
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results