Gabby Concepcion, hindi nakadalaw sa ospital bago pumanaw ang ina; Mike Concepcion, nagbigay ng eulogy

by Jojo Gabinete
Aug 16, 2020
Bahagi ng eulogy ni Mike Concepcion (kanan) para sa yumaong inang si Lourdes Arellano Concepcion: "Life is fragile. People are fragile. Words can hurt. Sometimes, even words unsaid can hurt even more. I know some people would like to hear about the case but this time is for my mom whom I love dearly. Yes, there is a time and place for everything." Ang "case" na binabanggit ay ang legal battle laban sa kapatid na si Gabby Concepcion (kaliwa).
PHOTO/S: Rose Garcia / Screen grab from DZMM

Hindi nakadalaw si Gabby Concepcion nang ma-confine sa ospital ang inang si Ma. Lourdes Arellano-Concepcion.

Ito ang kinumpirma ng nakababatang kapatid ni Gabby na si Miguel "Mike" Concepcion sa Cabinet Files ngayong Linggo ng gabi, August 16.

Sumakabilang buhay ang ina nilang si Lourdes noong August 9, 2020, dahil sa COVID-19. Siya ay 79 years old.

Pangalawa si Gabby at panglima naman si Mike sa anim na anak nina Lourdes Arellano at Rollie Concepcion, na yumao na rin noong September 23, 2008.

Bukod kina Gabby at Mike, ang iba pa nilang mga kapatid ay sina Dinky, Sandy, Rina, at Juju.

Sa tulong ng entertainment columnist na si Jobert Sucaldito, nakakuha ang Cabinet Files ng pahayag mula kay Mike.

Ayon kay Jobert, sinabi ni Mike na hindi pa rin nakikita ni Gabby ang urn ng cremated remains ng kanilang ina, na pansamantalang nakalagak sa tahanan nito sa San Juan City.

Naka-self quarantine pa ngayon si Mike dahil COVID-19 ang ikinamatay ng nanay niya kaya nagkaroon siya ng exposure.

Continue reading below ↓

MIKE'S EULOGY

Pinayagan din ni Mike ang Cabinet Files na ilathala ang bahagi ng kanyang eulogy para sa pumanaw na ina.

Pahayag ni Mike, "I am devastated and still trying to make sense of mom's sudden passing.

"So many things have come across my mind, things that could have been different or maybe, we could have made her feel more loved and appreciated."

Gusto raw sana ng kanyang ina na magdiwang ng 80th birthday sa Spain kasama ng kanyang mga anak at apo.

"Unfortunately, that could not happen.

"Instead, the next best thing would be to celebrate it in none other than the beautiful Dampa Sa Greenhills. She enjoyed her day with many family members and friends—even a good number of high school batchmates were present."

Dahil sa karamdaman ng ina, kinansela nila ang birthday celebration nito. Pero ngayong taon, gaya ng huling kaarawan nito, kakaunti lamang sa mga anak nito ang bumati.

Continue reading below ↓

"This year, like the last, only a few of her children greeted her and every single time this breaks her heart and spirit," sabi ni Mike.

Patuloy niya, "I am so blessed to have enjoyed my mom's company until the very last moments. Marichi, Kaila and I make sure that mom enjoys her every single day.

"We created unforgettable memories as we traveled all over the place—we were even able to send her to the Holy Land, Taiwan, Bacolod, and sailing in Boracay!

"Even simple trips to the supermarket for halo-halo, even window-shopping in Mandaue Foam were all very special because these trips will never happen again.

"It hurts and the reality is we only have one mom. If we do not make and give time to express how much we love and appreciate them while they are still with us, we may live a life of regret and guilt when they're gone."

Continue reading below ↓

Inalala rin ni Mike ang mga huling sandali ng pumanaw na ina.

"My last words to mom: as I held her hand, I softly but confidently told her, 'Don't worry, Inay, you're in good hands and you will be home soon, kaunting panahon lang iyan, we love you so much—be strong and we will get over this, ok?'

"I kissed her and left with a heavy heart. Then she was taken to the ICU.

"That would be my last time to ever speak with her again. I am truly grateful to have said that not knowing it would be the last."

Sabi pa ni Mike, "I'm certain each one of us [her children] can easily recall our last message or call made to her. I can only hope they added value to her life.

"I miss my routine of kissing and hugging her almost every night until she had to be brought to the hospital.

Continue reading below ↓

"Life is fragile. People are fragile. Words can hurt. Sometimes, even words unsaid can hurt even more.

"I know some people would like to hear about the case but this time is for my mom whom I love dearly.

"Yes, there is a time and place for everything."

Ang tinutukoy na "case" ni Mike ay ang kaso ng falsification of public documents laban kay Gabby.

Kaugnay ito ng maanomalya umanong pagbenta ni Gabby ng pagmamay-aring lupa ng kanilang ina sa isang prime area ng San Juan City na may sukat na 890 square meters.

Nag-iwan din ng mensahe sa publiko si Mike na huwag daw sanang mangyari sa ibang mga magulang ang nangyari sa kanilang pamilya.

"Huwag nating sasaktan ang ating mga magulang dahil mahalaga sila," sabi ni Mike.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bahagi ng eulogy ni Mike Concepcion (kanan) para sa yumaong inang si Lourdes Arellano Concepcion: "Life is fragile. People are fragile. Words can hurt. Sometimes, even words unsaid can hurt even more. I know some people would like to hear about the case but this time is for my mom whom I love dearly. Yes, there is a time and place for everything." Ang "case" na binabanggit ay ang legal battle laban sa kapatid na si Gabby Concepcion (kaliwa).
PHOTO/S: Rose Garcia / Screen grab from DZMM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results