PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nawawalang dating sexy star na si Brandy Ayala, namataan sa Mandaluyong

Pamangkin ni Brandy Ayala, patuloy ang paghahanap sa dating sexy star.
by Jojo Gabinete
Published Aug 21, 2020
Limang buwan nang nawawala ang dating sexy star na si Brandy Ayala (kanan). Ayon sa pamangkin ni Brandy, ang kaliwang larawan ang latest photo ni Brandy na maaaring makatulong sa paghahanap sa nawawala niyang tiyahin.
PHOTO/S: Courtesy of Ralph Estrada

Nakipag-ugnayan sa Cabinet Files ngayong araw, August 21, ang pamangkin ng former sexy star na si Brandy Ayala.

Si Brandy—Remedios Estrada sa tunay na buhay—ay sumabak sa showbiz industry noong dekada '80 bilang bahagi ng Liquor Beauties, ang grupo ng sexy stars na mina-manage noon ng yumaong talent manager na si Rey dela Cruz.

Kapanabayan niya ang iba pang Liquor Beauties na sina Remy Martin, Chivas Regal, at Vodka Zobel.

Ayon sa pamangkin ni Brandy na si Ralph Estrada, wala na si Brandy sa sariling katinuan na epekto ng paggamit nito ng bawal na gamot noong artista pa siya.

Lalo raw lumala ang kalagayan ng dating sexy star noong 1997 dahil sa schizophrenia, dahilan para magpakalat-kalat na lamang ito sa lansangan.

Kuwento naman ng mga dating kaklase ni Brandy, madalas makitang pakalat-kalat sa Tayuman at sa SM City area sa San Lazaro, Manila, ang dating sexy star.

Nanghihingi raw ito ng pera at pagkain mula sa mga taong nakakasalubong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng Cabinet Files kay Ralph noong August 8, 2020, sinabi nitong mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon noong March 15, hindi na umuwi sa bahay nila sa Tondo ang kanyang tiya.

Labis na nag-aalala si Ralph dahil nawala si Brandy sa panahon ng coronavirus pandemic.

Natatakot siyang baka nalipasan ng gutom si Brandy kaya nakalimutan na nito kung paano umuwi sa kanilang tahanan.

Maliban sa Barangay ID ni Brandy, walang naibigay noon si Ralph sa PEP.ph na kasalukuyang litrato ng tiya para sana madali itong makilala.

Bata at maayos pa ang hitsura ni Brandy sa litrato nito sa kanyang Barangay ID.

Ngayong Biyernes, August 21, ipinaalam ni Ralph sa Cabinet Files na nakahanap siya ng larawan ni Brandy na kuha noong December 2019.

Posible raw itong makatulong sa paghahanap niya sa kanyang tiya na limang buwan nang nawawala.

Ayon din kay Ralph, may nakapagsabi sa kanyang namataan si Brandy sa Mandaluyong City matapos ilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang life story ng tiya niya noong August 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nang lumabas po yung artikulo ng PEP, sinabi ng kakilala ko na parang napansin siya sa Mandaluyong," sabi ni Ralph nang makausap siya ng Cabinet Files via Facebook messenger.

"Hindi ko naman po mapuntahan dahil walang sasakyan. Wala po kaming pera para mag-arkila ng sasakyan at mapuntahan siya. Mahirap din po ang sitwasyon namin.

"Kung may sasakyan lang po na puwedeng rentahan, kahit sana papaano, magbabakasakali akong mapuntahan siya," hinaing ni Ralph.

Ang pag-aarkila ng sasakyan ang naisip niyang paraan upang makapag-ikot siya sa Mandaluyong City dahil baka matiyempuhan niya sa kalye si Brandy.

Dahil sa coronavirus pandemic, nawalan ng trabaho si Ralph. Nagkaroon pa ng sakit ang kanyang ama, ang nakakatandang kapatid ni Brandy, kaya nahihirapan din siyang makakilos para hanapin ang tiyang nawawala.

Nananalig sa Diyos at umaasa si Ralph na matatagpuan na nito si Brandy at matutukoy ang kinaroroonan sa pamamagitan ng larawang ipinagkatiwala niya sa PEP.ph.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Limang buwan nang nawawala ang dating sexy star na si Brandy Ayala (kanan). Ayon sa pamangkin ni Brandy, ang kaliwang larawan ang latest photo ni Brandy na maaaring makatulong sa paghahanap sa nawawala niyang tiyahin.
PHOTO/S: Courtesy of Ralph Estrada
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results