State of the Nation ni Jessica Soho, babalik na sa ere; Bea-Richard teleserye, kinansela

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2020
GOOD NEWS, BAD NEWS: Simula sa September 21 ay mapapanood muli ang primetime news program ni Jessica Soho (kaliwa) sa GMA News TV na State of the Nation; nagdesisyon naman ang Star Creatives na kanselahin na lang ang Kahit Minsan Lang, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from GMA News TV / Instagram

Panandalian lamang ang lungkot na naramdaman ng production staff ng State of the Nation, ang primetime news program ni Jessica Soho sa GMA News TV na napabalitang pansamantalang hindi mapapanood dahil sa coronavirus pandemic.

Noong September 9, sinabihan ng GMA News TV management ang production staff ng State of the Nation na magpapahinga muna ang kanilang news programa habang hindi pa normal ang sitwasyon.

Kahit anim na buwan nang hindi umeere ang State of the Nation dahil sa COVID-19 pandemic, ikinalungkot ng production staff ang desisyon ng management.

Pero sandali lamang ang pamamahinga ng flagship program ng GMA News TV.

Nakatanggap na ng back-to-work order ang production staff, na pinaghahandaan na ang pagbabalik sa telebisyon ng State of the Nation sa Lunes, September 21.

BEA-RICHARD TELESERYE CANCELLED

Samantala, malungkot naman ang mga artista at production staff ng Kahit Minsan Lang dahil sa desisyon ng Star Creatives na kanselahin ang drama series.

Continue reading below ↓

Bida sa teleseryeng ito sina Bea Alonzo, Rafael Rosell, at Richard Gutierrez.

Ang Star Creatives ang producer ng TV series ng ABS-CBN na nakansela dahil sa "restrictive scenarios" ng taping na epekto pa rin ng coronavirus pandemic.

Ikinagulat ng mga artista at staff ng Kahit Minsan Lang ang pasya ng Star Creatives dahil nagkaroon pa sila ng taping noong September 15.

Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng announcement ang Star Creatives tungkol sa drama series na pagbibidahan nina Bea at Richard.

Isang taon na rin ang nakararaan nang umpisahan ang taping ng Kahit Minsan Lang na kinunan ang ilang mga eksena sa isang fishport sa General Santos City noong December 30, 2019.


Continue reading below ↓

MORE CABINET FILES STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GOOD NEWS, BAD NEWS: Simula sa September 21 ay mapapanood muli ang primetime news program ni Jessica Soho (kaliwa) sa GMA News TV na State of the Nation; nagdesisyon naman ang Star Creatives na kanselahin na lang ang Kahit Minsan Lang, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from GMA News TV / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results