"Not true."
Ito ang sagot ng isang malapit kay Julia Barretto, 23, tungkol sa tsismis na buntis ang young actress sa magiging anak nila ni Gerald Anderson, 31.
Matagal nang usap-usapang may relasyon sina Julia at Gerald, pero nananatili silang tahimk. Walang denial at wala ring pagtanggi.
Si Julia ang pinagbibintangang dahilan ng breakup nina Gerald at Bea Alonzo, isang isyu na ilang buwang pinagpistahan ng publiko noong nakaraang taon.
Ang former broadcaster na si Jay Sonza ang source ng balita tungkol sa rumored pregnancy ni Julia.
Pero ayon sa informant ng Cabinet Files, posibleng biktima ng mistaken identity ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.
Ito ay dahil si Janella Salvador, 22, ang kumpirmadong buntis.
Inilabas ni Sonza ang nakalap na impormasyon sa Facebook post niya ngayong umaga, September 21.
Hindi maiiwasang may mga naniwala dahil siguradong-sigurado si Sonza sa kanyang balita.
Ito ang showbiz tsismis na ibinahagi ni Sonza sa kanyang Facebook followers:
“Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City.
“Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog.
“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) - may nabuo sa sinapupunan ni Julia.
“Nahinayak ang batang Dadiangas. nasiyot man jud oi. kapugngan pay tren, dili ang gugmang gauros uros tawon.
"Happy Monday po. Makikibalita ako kung kailan ang kasal sa aking neighbour."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika