PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

State of the Nation, may ilang pagbabago; The Clash at DOTS, sigurado na ang pagbabalik

State of the Nation, binawasan ang oras.
by Jojo Gabinete
Published Sep 22, 2020
Nagsimula na kagabi, September 21, ang pagbabalik sa ere ng State of the Nation ni Jessica Soho (kaliwa) sa GMA News TV. Sa October 3 naman nakatakdang magsimula ang Season 3 ng The Clash (gitna), at sa October din muling mapapanood ang Descendants of the Sun (kanan).
PHOTO/S: GMA Network

Matapos ang anim na buwang pamamahinga dahil sa coronavirus pandemic at sa Enhanced Community Quarantine, nagbalik na sa ere kagabi, September 21, ang State of the Nation, ang news program ni Jessica Soho sa GMA News TV.

Pero may mga naganap na pagbabago.

Una, thirty minutes na lamang ang State of the Nation, na may dating running time na 60 to 75 minutes.

Pangalawa, mas gabi na ang oras ng programa ni Jessica dahil mula sa dating timeslot na 9 p.m., napapanood na ang State of the Nation ng 10 p.m. hanggang 10:30 p.m.

Pangatlo, work from home ang award-winning broadcast journalist na naghahatid ng balita mula sa kanyang tahanan, at hindi sa nakagawiang studio ng GMA News TV sa GMA Network.

Hindi lamang ang State of the Nation ang nagbalik sa telebisyon.

Malapit na ring mapanood ang Season 3 ng The Clash, ang talent search program ng GMA-7, ang sister station ng GMA News TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ngayong Martes ng hapon, September 22, ang taping ng The Clash para sa pilot episode na mapapanood sa October 3.

Nananatili sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang Clash Masters; judges sina Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista; at Clash Mates sina Ken Chan at Rita Daniela.

Ang The Clash ang isa sa dalawang bagong programa ni Lani sa telebisyon dahil magiging mainstay siya ng Live@5, ang Sunday noontime show ng TV5 na mag-uumpisa naman ang airing sa October 18, 2020.

Meanwhile, sigurado na ang pagbabalik sa telebisyon ng Descendants of the Sun sa October 26.

Pitong buwang hindi napanood sa GMA-7 ang Philippine adaptation ng popular Koreanovela na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Ipinahinto ang taping ito noong March 2020 nang magdeklara ang Duterte government ng ECQ sa Luzon dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula na kagabi, September 21, ang pagbabalik sa ere ng State of the Nation ni Jessica Soho (kaliwa) sa GMA News TV. Sa October 3 naman nakatakdang magsimula ang Season 3 ng The Clash (gitna), at sa October din muling mapapanood ang Descendants of the Sun (kanan).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results