Gabby Concepcion, nagbigay-pugay sa mga gurong kagaya ng pumanaw na ina

by Jojo Gabinete
Oct 2, 2020
Gabby Concepcion on teachers like his late mother Baby Arellano Concepcion (right photo, with Gabby and KC Concepcion): "They have a very soft spot in my heart... yung tiyaga na ginawa nila sa 'yo noon, e, hindi naman tayo teacher, pero baka hindi natin kakayanin yung mga ginagawa nila. So, that I appreciate, yung mga ginagawa ng mga teacher."
PHOTO/S: Instagram

Ang yumaong ina ni Gabby Concepcion na si Lourdes "Baby" Arellano Concepcion ang aming naisip nang magsalita ang aktor sa virtual conference para sa Grand Gathering for Teachers kahapon, October 1.

Pumanaw si Baby Concepcion noong August 10 sa edad na 79.

Isa si Gabby sa mga celebrity performer sa annual event ng Gabay Guro, na gaganapin bukas, October 3, 3 P.M., at live na mapapanood sa YouTube channel at Facebook page ng Gabay Guro.

Nang hingan ng pahayag, nagbigay-pugay siya sa mga guro dahil ito rin daw ang propesyon ng kanyang ina.

"Ang mga teacher kasi madalas kong nakikita noon, my mom was a teacher," sabi ni Gabby.

Pinuri ng aktor ang pagtitiyaga ng mga guro sa pagtuturo at paghasa sa isip ng mga kabataan.

"Of course, we don’t understand that when we were young. But now that you’re old, kung sino yung nagtiyaga sa 'yo, e, mas lalong mararamdaman yung sinasabi ko sa 'yo.

Continue reading below ↓

"And every time I see teachers sa Gabay Guro whenever I’m doing shows, nakikita ko yung mga teacher ko, I had tutors also, seeing that in their faces."

Ayon kay Gabby, may pitak sa kanyang puso ang mga guro kaya sa tuwing imbitado siya sa mga event ng Gabay Guro, ipinakikita niya ang pagpapahalaga sa mga teacher.

"They have a very soft spot in my heart. Every time I have a performance, the only thing I can give back to them is my presence there, hugging and treat them this time.

"Because yung tiyaga na ginawa nila sa 'yo noon, e, hindi naman tayo teacher, pero baka hindi natin kakayanin yung mga ginagawa nila.

"So, that I appreciate, yung mga ginagawa ng mga teacher."

Ang nagpaalam na ina ni Gabby ang aming naisip habang pinupuri niya ang mga guro dahil, ayon sa kanyang kapatid na si Mike Concepcion, hindi dinalaw ng aktor sa ospital ang ina nila noong may karamdaman ito at hanggang bawian ng buhay.

Continue reading below ↓

Pero nang banggitin ni Gabby ang kanyang ina sa Gabay Guro virtual press conference, tila pagpapahiwatig ito ng pagmamahal at pagpapahalaga ng aktor sa magulang na nakatampuhan, at namayapa na hindi niya nakita sa huling sandali.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion on teachers like his late mother Baby Arellano Concepcion (right photo, with Gabby and KC Concepcion): "They have a very soft spot in my heart... yung tiyaga na ginawa nila sa 'yo noon, e, hindi naman tayo teacher, pero baka hindi natin kakayanin yung mga ginagawa nila. So, that I appreciate, yung mga ginagawa ng mga teacher."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results