JERRY OLEA
Pumanaw na si Maria Lourdes Arellano Concepcion, 79, ang ina ng aktor na si Gabby Concepcion.
Post ng panganay ni Gabby na si KC Concepcion nitong Agosto 9, Linggo ng gabi, sa Instagram:
“My last living biological grandparent passed this morning.
“Thank you for always reminding us of our family tree and for always keeping me close to the family, mommyla.
“Love you and will remember you and daddylo always.”
Kalakip ng nasabing IG post ni KC ang litrato nilang tatlo ni Gabby at ng kanyang lola sa father’s side.
Linggo ng tanghali, nag-vlog ang manunulat na si Paul Farol sa YouTube channel niyang Social Media Soup.
“Sad News Tungkol Sa Mommy Ni Gabby Concepcion” ang title ng vlog, na 2 minutes and 12 seconds ang running time.
Bahagi ng vlog ni Paul, “Last week po, nabalita ko sa inyo na nasa hospital ho si ... yung mommy ho ni Gabby Concepcion saka ni Mike Concepcion.
“And ano ho, nagkaroon ho siya ng diabetic ketoacidosis and pneumonia. And recently, just this morning, nalaman ko ho na may COVID pala siya...”
Noong Agosto 2, Linggo, inihayag ni Paul sa YouTube vlog niya na malubha na ang kalagayan ng ina ni Gabby sa Makati Medical Center.
Ang ina ni Gabby ay apo ng sikat na painter at architect na si Juan Arellano. Si Arellano ang nagdisenyo ng Metropolitan Theater noong 1935.
NOEL FERRER
Our condolences sa pamilya Concepcion, as any death is always something na hindi madaling pagdaanan lalo na ngayong panahon ng quarantine at isolation.
Sana maging daan ang pangyayaring ito para mabuo ang pamilya nina Gabby, at maisantabi—at sana maayos—ang pagkakahati at alitan ng mga magkakapatid/magkakapamilya.
Sumasakanila ang panalangin ng Troika na sobrang maka-Nanay!
GORGY RULA
Agree po ako riyan. Sa pagpanaw ng kanilang ina, sana maisantabi muna ang isyu ng pamilya tungkol sa ilang ari-arian.
Pero knowing Gabby na ayaw ng ganitong isyu, malamang na hindi na lang siya magsalita.
Nakailang presscon na si Gabby kung saan ipinapakiusap niyang huwag nang pag-usapan ang kinasangkutang isyu sa kanyang ina at kapatid na si Miguel Concepcion.
Pero base sa mga naririnig kong kuwento, mukhang mas magulo ito ngayon.
Hangad naming magkaayos sila, alang-alang sa katahimikan ng kanilang magulang.
Nakikiramay po kami.
Ang ama ni Gabby na si Rollie Concepcion ay nauna nang pumanaw noong September 23, 2008.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
