CONFIRMED: It's Showtime mapapanood sa Zoe TV simula October 10

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2020
Ang "better days" ba na sinasabi ni Vice Ganda ay patungkol sa napipintong pag-ere ng It's Showtime sa Zoe TV on October 10, 2020?
PHOTO/S: @itsshowtimena on INstagram

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, mapapanood sa Zoe Broadcasting Network simula sa Sabado, October 10, ang It’s Showtime ng ABS-CBN, at sa Linggo, October 11, ang ASAP Natin 'To.

Ang Zoe ang television station na pag-aari ng Jesus Is Lord Church na pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva, at bagong karagdagang channel na mapapanood sa Sky Cable simula sa October 8, 2020.

Ang airing ng It’s Showtime sa Zoe Channel na isang free TV ang tinutukoy ni Vice Ganda nang nagbitaw ito ng salita na, “Better days are coming,” sa isang episode ng kanilang noontime show noong nakaraang linggo.

Nang hindi i-renew ng kongreso ang franchise ng ABS-CBN noong July 10, 2020, pansamantalang napapanood ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel.

Naapektuhan nang husto ang viewership ng programa dahil hindi cable subscribers ang karamihan.

IT'S SHOWTIME VS LUNCH OUT LOUD

Nakatakda naman sa October 19 ang pilot telecast ng Launch Out Loud, ang noontime show ng Brightlight Productions na mapapanood sa TV5.

Continue reading below ↓

Mga host ng Lunch Out Loud sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at KC Montero.

Reportedly, magkakaroon ng live telecast ang It’s Showtime sa October 19 dahil tatapatan nito ang pagsisimula ng Lunch Out Loud.

Si Johnny Manahan na dating head ng Star Magic at direktor ng ASAP ang producer ng upcoming noontime variety show ng Kapatid Network.

FORMERLY GMA NEWS TV

Going back to Zoe TV, hindi na bago ang partnership nito sa mga television network .

Nag-umpisa noong April 2005 ang channel lease agreement sa pagitan ng Zoe Broadcasting Network at ng GMA Network Inc. kaya isinilang ang QTV11, ang lifestyle channel ng Kapuso Network, noong November 2005.

Noong February 2008, ni-reformat ang QTV11 bilang GMA News TV, ang news and public affairs channel ng GMA Network Inc.

Noong April 2019, nag-anunsiyo ang GMA Network Inc. na tatapusin na nito ang blocktime agreement sa Zoe Broadcasting Network.

Continue reading below ↓

Nag-take effect ito noong June 3, 2019.

At ngayong panahon ng pandemya, ang partnership ng Zoe Broadcasting Network at ng ABS-CBN Corporation ang nabuo kaya may bagong "free TV home" ang mga programa at artista ng Kapamilya station.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang "better days" ba na sinasabi ni Vice Ganda ay patungkol sa napipintong pag-ere ng It's Showtime sa Zoe TV on October 10, 2020?
PHOTO/S: @itsshowtimena on INstagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results