Vice Ganda says “better days are coming” for It’s Showtime

by Arniel C. Serato
Oct 2, 2020
Vice Ganda teases Madlang Pipol: "Ayaw ko na lang talaga magsalita baka mapagalitan ako pero abang-abang kayo diyan. Di ba, sabi ko sa inyo, Madlang Pipol, better days are coming?"
PHOTO/S: Courtesy: @itsshowtimena on Instagram

Mapapanood na ba ulit ang It’s Showtime sa free-to-air TV?

Sa opening ng noontime show ng ABS-CBN ngayong Biyernes, October 2, nagpahiwatig si Vice Ganda na dapat ay mag-abang-abang ang Madlang Pipol sa mga susunod na araw.

"Madlang Pipol" ang tawag sa mga masugid na tagapanood ng Kapamilya noontime show.

Sabi ni Vice, “Naku, naku, naku! Abang-abang lang kayo diyan, huwag kayong ano sa akin.”

Kinakiligan at ikinatuwa naman ito ng mga co-host niya sa show.

Dagdag pa ni Vice, na very energetic, “Naku, abang-abang lang kayo diyan. Ay naku, naku, naku!”

Pero hindi naman nilinaw ni Vice kung ano ang tinutukoy niyang dapat abangan.

Sabi niya, “Ayoko na lang talaga magsasalita baka mapagalitan ako, pero naku, naku, naku, abang-abang lang kayo diyan."

Nagbiro naman si Vhong Navarro na tumatayo ang mga balahibo niya sa binti kahit dalawang piraso lamang ito.

Muling sabi ni Vice, “Ayaw ko na lang talaga magsalita baka mapagalitan ako, pero abang-abang kayo diyan.

Continue reading below ↓

“Di ba, sabi ko sa inyo, Madlang Pipol, better days are coming?”

Sabi naman ni Teddy Corpuz, "Guys, masaya ang gising natin.

“Sabi nga nila, ‘All good things comes to those who wait,’ di ba?”

“KITA-KITS”

Sa dulong bahagi ng kanilang opening banter, tila may excitement na sinabi ni Teddy ang salitang “kita-kits.”

Saad niya, “Naku, naku Madlang Pipol, abang-abang and kita-kits.”

Kasunod naman nito ang sigawang may halong saya mula sa mga host.

Dagdag ni Vice, “Yes, kita-kits, kita-kits.”

Hindi pa rin binigyang linaw ni Vice ang ibig niyang sabihin.

Sabi lang niya, “I’m sure nae-excite kayo kung ano ang sinasabi naming kita-kits.”

Tinanong naman siya ng mga co-host kung kailan ito magaganap.

Sagot ni Vice, “Talagang pinipilit niyo ako para ako mapagalitan, ha. Basta.”

Nitong nakaraang Agosto ay naiulat ng PEP Troika ang balitang baka mag-blocktime ang ABS-CBN sa ZOE TV na pagmamay-ari ng Jesus Is Lord founder na si Brother Eddie Villanueva.

Continue reading below ↓

Nasabi rin sa ulat na ang It’s Showtime at ASAP Natin ‘To ang mga palabas ng network na una mapapanood sa ZOE TV.

Dapat ay noong September 28 daw ang launching nito, pero ipinagpaliban muna raw ito dahil pinatapos muna ang Ghost Month.

Ngayong Oktubre ang ika-11 anibersaryo ng It’s Showtime.

Hindi na napapanood sa free-to-air television ang mga palabas ng ABS-CBN matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application nito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda teases Madlang Pipol: "Ayaw ko na lang talaga magsalita baka mapagalitan ako pero abang-abang kayo diyan. Di ba, sabi ko sa inyo, Madlang Pipol, better days are coming?"
PHOTO/S: Courtesy: @itsshowtimena on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results