Francis M, Isabel Granada, mga pumanaw na That's members, binigyan ng tribute

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2020
Ilan sa mga pumanaw nang miyembro ng That's Entertainment ay sina (L-R) Jon Hernandez, noong 1993 dahil sa car crash; Strawberry, noong 2002 dahil sa three gunshots; Isabel Granda, noong 2017 dahil sa aneurysm; at Francis Magalona, noong 2009 dahil sa acute myelogenous leukemia.
PHOTO/S: Screengrab from That's Entertainment on Facebook

Kung buhay pa ang Philippine King of Rap na si Francis Magalona, 56 years old na sana ito nitong October 4, 2020.

Pumanaw ito noong March 6, 2009 dahil sa acute myelogenous leukemia o cancer sa blood at bone marrow.

Original cast member si Francis ng That’s Entertainment kaya kasama siya sa poignant In Memoriam segment ng Zoom-Mustahan na naganap at napanood kagabi, October 3, sa Facebook page ng dating youth-oriented program ng GMA-7 na nilikha ni German Moreno.

Dahil sa segment rin na ito natin naipabatid ang iba pang That’s Entertainment members na sumakabilang-buhay na.

Naging malaking balita ang pagkamatay ni Isabel Granada noong November 4, 2017, sa Doha, Qatar, dahil sa aneurysm. Siya ay 41 years old.

that's entertainment dead members

Continue reading below ↓

Pneumonia ang cause of death nina Dan Yniguez, na pumanaw noong June 2016, at ni Filio "Jimboy" Salazar, na binawian ng buhay noong July 25, 2015.

Si Marco Polo Garcia, anak ng mga namayapa na ring artista na sina Rodolfo Boy Garcia at Lucita Soriano, ay namatay noong March 5, 2010, sa edad na 39.

Aksidente naman ang kumitil sa buhay ni Denver Razon, anak ng dating singer na si Darius Razon. Noong March 2006, na-sideswipe ng isang trailer truck ang kotse nitong bumangga sa isang poste at steel gate ng isang restaurant sa Araneta Avenue, Quezon City.

Tragic ang pagkamatay ng former child actress na si Strawberry dahil binaril siya noong December 18, 2002 sa Las Piñas City, at binawian ng buhay noong December 20, 2002. Traffic altercation ang dahilan ng pamamaril kay Strawberry na noon ay 25 years old lamang.

Noong July 1, 2002, binawian ng buhay si Ronnel Victor sa Chicago dahil sa colon cancer.

Continue reading below ↓

that's entertainment dead members

Si Ed Pozon Jr. ay sumakabilang-buhay noong December 2, 1994, sa edad na 22. Walang available information tungkol sa cause of death niya.

Headline news noong November 1993 ang pagpanaw ni Jon Hernandez dahil sa vehicular accident sa North Luzon Expressway. Ang anak nina Ross Rival at Alicia Alonzo ay 24 years old noon. Kuya siya ni Maja Salvador, na five years old at the time of her brother's untimely demise.

Continue reading below ↓

Ang iba pang naisama sa segment ay sina Aileen Esguerra, Michael Angelo, Lester Samonte, Jonathan Darca, at Marc Tejada.

Ilang pumanaw na members naman ang walang mahanap na picture kaya hindi naisali sa tribute.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilan sa mga pumanaw nang miyembro ng That's Entertainment ay sina (L-R) Jon Hernandez, noong 1993 dahil sa car crash; Strawberry, noong 2002 dahil sa three gunshots; Isabel Granda, noong 2017 dahil sa aneurysm; at Francis Magalona, noong 2009 dahil sa acute myelogenous leukemia.
PHOTO/S: Screengrab from That's Entertainment on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results