Maja Salvador, tumangging pumalit kay Bea Alonzo sa Kahit Minsan Lang

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2020
Maja Salvador (kaliwa), hindi tinanggap ang alok na maging lead actress ng Kahit Minsan Lang, ang Kapamilya series na pagbibidahan sana ni Bea Alonzo (kanan).
PHOTO/S: @iammajasalvador / @beaalonzo Instagram

Si Maja Salvador ang isa sa mga napagpilian para maging kapalit ni Bea Alonzo bilang lead actress ng teleseryeng Kahit Minsan Lang.

Pero hindi niya tinanggap ang alok ng Star Creatives, ang producer ng ABS-CBN drama series na pinagbibidahan din nina Richard Gutierrez at Rafael Rosell.

Base ito sa nakalap na impormasyon ng Cabinet Files mula sa isang source, pero hindi nabanggit ang eksaktong dahilan kung bakit tumanggi si Maja.

Papalitan si Bea dahil hindi pa ito handang magtrabaho habang may coronavirus pandemic.

Wala mang detalye kung sino na ang female lead star ng Kahit Minsan Lang, malinaw na walang katotohanan ang bali-balitang kanselado na ito.

MAJA'S SHOW ON TV5

Sa kaso ni Maja, wala naman katiyakan kung mabibigyan siya agad ng project sa ABS-CBN.

Sa ngayon, magiging mainstay siya ng Sunday Noontime Live, ang blocktimer Sunday variety show na mapapanood sa TV5 simula October 18. Kasama niya roon sina Piolo Pascual at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Continue reading below ↓

Iprinodyus ito ng Brightlight Productions, na pag-aari ni former Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez.

RIVALRY WOES?

Reportedly, nagkaroon ng lamat ang magandang relasyon ng ABS-CBN at ng mga namamahala sa mga programa ng Brighlight Productions.

Ang sinasabing dahilan: makakatapat ng Sunday Noontime Live ang ASAP Natin 'To, at makakatapat ng Lunch Out Loud ang It's Showtime.

Kaya hindi raw maiwasang madamay at maapektuhan ang mga artistang umalis sa kanilang home studio.

Ang Lunch Out Loud, na magsisimula sa October 19, ay blocktimer show sa TV5 na iprinodyus din ng Brighlight Productions. Kabilang sa main hosts nito sina Billy Crawford at Alex Gonzaga.

BRIGHTLIGHT'S STUDIO

Incidentally, may sariling studio ang Brighlight Productions para sa daily noontime show na Lunch Out Loud at sa Sunday Noontime Live.

Ang dating Wowowin studio ni Willie Revillame sa Kalayaan Avenue, Quezon City, ang napili ng Brighlight Productions bilang "tahanan" ng ilulunsad na mga programa nito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador (kaliwa), hindi tinanggap ang alok na maging lead actress ng Kahit Minsan Lang, ang Kapamilya series na pagbibidahan sana ni Bea Alonzo (kanan).
PHOTO/S: @iammajasalvador / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results