Latest sighting kay Angel Locsin viral ulit

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2020
Kasalukuyang pinag-uusapan sa social-media ang bagong batch ng photos ni Angel Locsin na kuha sa harap ng Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City noong October 5, 2020.
PHOTO/S: Angelica Santos on Facebook

Kasalukuyang kumakalat sa social media ang mga larawan ni Angel Locsin.

Kuha ang mga ito sa harap ng Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City noong Lunes, October 5, 2020.

Isang netizen na nagngangalang Angelica Santos ang kumuha ng mga litrato.

Saad niya sa caption, "Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa"

Hindi edited o photoshopped ang mga ito dahil kinunan rin ni Santos ng video ang chance encounter nila ni Angel sa simbahan.

At press time, halos 10,000 netizens na ang nag-share nito sa Facebook, at nasa 3,000 naman ang reactions—karamihan ay red heart emojis.

Ang post ay umani ng mahigit na 100 comments, at karamihan ay naka-tag sa kapwa Facebook users.

May mga nagpahayag din ng paghanga sa "walang kupas" na ganda ng 35-year-old star.

Continue reading below ↓

Mas positibo ang reaksiyon ng netizens kung ikukumpara sa mga photos niyang nag-viral nitong June 2020.

Angel Locsin viral photo

Ilang beses nang naging biktima ng body shaming si Angel dahil sa curvy figure niya, pero higit na marami ang nagtatanggol sa kanya.

Mas pinahahalagahan at pinupuri ang pagtulong ng aktres sa mga nangangailangan.

Continue reading below ↓

May ilang kritiko na pinoproblema ang timbang ni Angel, pero tila hindi naman apektado ang aktres dahil makikita sa mga litratong inilabas ni Santos na confidently beautiful at comfortable si Angel sa kanyang pangangatawan.

Kasama ni Angel sa Caloocan noong Lunes ang kanyang fiance na si Neil Arce, na partner niya sa The Angel and Neil Channel.

Ang pagbisita nila sa punduhan o halfway house ng Dumagat tribe sa Norzagaray, Bulacan, ang unang vlog entry nina Angel at Neil sa kanilang YouTube Channel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang pinag-uusapan sa social-media ang bagong batch ng photos ni Angel Locsin na kuha sa harap ng Our Lady of Grace Parish sa Caloocan City noong October 5, 2020.
PHOTO/S: Angelica Santos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results