Korina Sanchez on transfer to TV5: "Cheers to the wounds that will never heal but also to new beginnings."

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2020
Korina Sanchez on hosting Rated Korina on TV5: "This is who we are and would like to continue to be, because we have so much more to give—so we march forward."
PHOTO/S: @korina Instagram

"Hindi ba, sinabi ko naman sa inyo?! Walang iwanan. ABANGAN! Handa na ba kayo?"

Ito ang tanong ni Korina Sanchez sa publiko dahil sa nalalapit na pagbabalik sa telebisyon ng kanyang news magazine program, na may dating pamagat na Rated K sa ABS-CBN.

Kinumpirma ni Korina na mapapanood ang Rated Korina, sa bago nitong tahanan sa TV5, simula sa October 24.

Sabi ni Korina sa kanyang Instagram post kagabi, October 8:

"Yes, it is true. It is on.

"I have officially signed up with BrightLight, blocktimer in TV5, and Rated K, now to be called Rated Korina, will be seen again on free television starting October 24.

Ang anunsiyo ni Korina ay hindi na nakakagulat.

Noong Setyembre, una nang lumabas ang official statement ng BrightLight Productions na kasama ang Rated Korina sa mga programang matutunghayan sa TV5.

Ang BrightLight Productions ay production company na pagmamay-ari ni dating Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez.

Continue reading below ↓

ON LEAVING ABS-CBN

Ayon pa kay Korina, maganda ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN na naging malaking bahagi ng kanyang buhay at karera sa loob ng 33 taon.

Ito rin ang nagsilbing tahanan ng Rated K sa loob ng 16 taon.

Lahad ni Korina: "It is bittersweet to have to actually say it, that I've parted for now with ABS-CBN because of current circumstances.

"I owe ABS-CBN the most huge part of who I’ve come to be professionally, and for growing Rated K to be a household name in almost 20 years on-air.

"Maganda naman ang pagpapaalam ko and maganda din ang pagtanggap ng management sa network sa mga limitasyon sa ngayon."

STARTING AFRESH ON TV5

Tiniyak ni Korina na patuloy ang serbisyo niya sa publiko bilang broadcaster.

"Naiintindihan din nating lahat siyempre, ang kagustuhan ng lahat na magpatuloy sa trabaho, sa pagpapasaya, pagbigay impormasyon sa nakakarami at ang importanteng serbisyo sa publiko.

Continue reading below ↓

"This is who we are and would like to continue to be, because we have so much more to give—so we march forward.

"We are all making lemonade of lemons, the best way we can. And it will all taste good."

Laking pasalamat daw ni Korina sa Brightlight Productions na nagbigay ng oportunidad sa kanya na mapanood muli sa free TV.

Patuloy niya, "But how blessed can one also be, and how can I complain? Bago pa man ako malunod sa lungkot ay meron nang nagbibigay ng bagong pagkakataon—na para bang naghawi ng ulap.

"BrightLight brings back the sparkle and the sunshine in free TV via its roster of new shows to air on TV5 this October!

Tukoy pa ni Korina sa iba pang ilulunsad na programa sa TV5: "It’s like a much needed shot of adrenaline to a gasping TV industry after the unexpected closure of giant ABS-CBN.

"It is a happy pill now for a sad, sad global state of grief over COVID casualties.

Continue reading below ↓

"I see that we are slowly moving into a brighter place, a more hopeful, happier new normal—even in the broadcast industry."

NEW CONTENT FOR RATED KORINA

Hindi lamang host si Korina ng Rated Korina, isa ring malaking hamon sa kanya ang pagiging line producer ng show.

"I line produce and host Rated Korina airing this October and am energized by the challenge of this upheaval.

"Hindi parin kami nauubusan ng kuwento, hahaha! Go lang!

"Ang inyong mga kaibigan, kabalitaan at kakampi na sa loob ng halos 20 taon, naging paborito ninyong kakuwentuhan ay nagbabalik na dala ang inyong mga kuwento— nangangako na itutuloy kung ano ang nasimulan, pinaghirapan namin...nakagawian at minahal ng publiko."

Bittersweet na saad pa ni Korina, "So cheers to the wounds that will never heal but also to new beginnings...because what doesn't kill you makes you stronger."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on hosting Rated Korina on TV5: "This is who we are and would like to continue to be, because we have so much more to give—so we march forward."
PHOTO/S: @korina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results