Sino si House Speaker Lord Allan Velasco?

by Jojo Gabinete
Oct 13, 2020
Pormal nang nailuklok si Marinduque Representative Lord Allan Velaaco bilang bagong House Speaker ngayong Martes, October 13. Si Velasco ay kilalang malapit at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Instagram

Hindi natuloy ang inaabangang showdown nina former House Speaker Alan Peter Cayetano at ng bagong Speaker of the House na si Lord Allan Velasco.

Nadismaya tuloy ang mga umaasang may mala-teleseryeng eksenang magaganap ngayon sa Batasang Pambansa.

Pormal na nailuklok si Velasco bilang House Speaker sa lehitimong lugar, at nagbitiw naman sa tungkulin si Cayetano.

Sa pamamagitan ng Facebook Live, may pahiwatig si Cayetano na siya ang naapi, nagpaubaya, umunawa, at nagsakripisyo para sa kapakanan ng bansa.

Bago pa naayos ang problema, maagang dumating sa Celebrity Sports Plaza si Velasco at ang mga kongresistang sumusuporta sa kanya.

Nagtipon-tipon sila sa Celebrity Sports Plaza at nagplanong sabay-sabay pupunta sa Batasang Pambansa kung sakaling hindi pa rin bumaba sa puwesto si Cayetano.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ni Cayetano na nagkaroon ng acts of violence nitong Martes ng umaga, October 13, dahil sinira na ang mga pinto ng Kongreso.

"Sinabihan ko ang Secretary General, ayokong may masaktan. Bayaan mo sila kung gusto nilang mag-take over.

Continue reading below ↓

"Let them use the hall, walang masasaktan. Pakiusap lang, social distancing," sabi ni Cayetano, na paulit-ulit na binanggit ang pambababoy na ginawa sa institusyon.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Velasco bago ito nagsadya sa Batasang Pambansa, tinanong siya ni Pinky Webb: "Hindi ba kayo naniniwala na once the budget is passed, there will be a smooth transition from Alan Peter Cayetano to Lord Allan Velasco?"

Sagot ni Velasco, “I think Miss Pinky, Peter has already denied the Lord three times so I don’t think that’s a possibility this Friday…”

WHO IS LORD ALLAN JAY VELASCO?

Umingay nang husto ang pangalan ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco dahil sa speakership dispute nila ni Cayetano, na ayaw tuparin noong una ang kanilang gentleman’s agreement na term-sharing, na nangyari sa harap ni President Rodrigo Duterte noong July 2019.

Si Velasco ang house representative ng Marinduque. Isinilang siya noong November 9, 1977.

Continue reading below ↓

Siya ang panganay na anak ni former Associate Justice of the Supreme Court Presbitero Velasco Jr. at ni incumbent Torrijos, Marinduque Mayor Lorna Quinto-Velasco.

Lawyer ang propesyon ni Velasco bago ito naging public servant.

Nagtapos siya sa De La Salle University ng Bachelor of Science degree in Business Management at Bachelor of Laws degree sa University of Santo Tomas.

Continue reading below ↓

Kasal si Velasco kay Rowena “Wen” Amara at lima ang kanilang anak.

THE DUTERTE CONNECTION

Malapit si Velasco sa buong pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kamag-anak ang turing ng mga Duterte—lalo na ni Davao City Mayor Sara Duterte—sa pamilya Velasco.

Madalas na kasa-kasama ni Pangulong Duterte si Velasco, at ang misis nitong si Wen sa mga biyahe ng Pangulo sa labas ng bansa.

Continue reading below ↓

Kasama rin ng Duterte family ang Velasco family sa mahahalagang okasyon.

Dumalo ang Pangulo sa binyag ng anak ni Velasco noong September 2019.

Nag-Pasko naman si Velasco sa bahay ng Presidente sa Davao City noong 2016.

Continue reading below ↓

Regular ding bumibisita ang mga anak ni Velasco sa Malacañang para makapiling si Duterte.

BAPTISMAL CELEBRATION OF THE YEAR

Nagkaroon kami ng pagkakataong makilala nang personal si Velasco nang maimbitahan kami sa engrandeng binyag ng kanilang anak na si Sara Kristina sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La noong September 22, 2019.

Continue reading below ↓

Tinawag na "Baptismal Celebration of the Year" ang binyag kay Sara dahil bukod sa fabulous invite (with pink ballons and flowers), dumalo ang karamihan sa mga senador, house representatives, cabinet secretaries, businessmen, socialites, at mismong si President Duterte.

Dahil sa presence ng mga VIP, mahigpit ang seguridad at ni-lockdown ang Rizal Ballroom mula 6:00 p.m. hanggang hatinggabi.

Continue reading below ↓

Printed ang carpet sa Rizal Ballroom, pero dahil sa espesyal na okasyon, pinalitan ito ng white carpet na bumagay sa pink motif ng pagdiriwang.

Mga sariwang bulaklak ang makikita sa paligid at kisame ng baptismal celebration venue.

Nang dumating ang mga bisita, naghihintay na sa kanilang mga upuan ang giveaways na Jo Malone candles.


Continue reading below ↓

Special guest performer si Lani Misalucha, na nagkaroon ng mini-concert at duet kay President Duterte. Si Lani ang isa sa mga paboritong singers ng Pangulo.


Mga mentor sa naganap na binyag sina Duterte at ang business tycoon na si Ramon Ang, na hindi hiniwalayan ang Pangulo hanggang matapos ang party, na patunay ng pagkamalapit nila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Animnapu ang tumayong ninong at ninang ni Sara Kristina mula sa mundo ng showbiz at pulitika.

Kabilang dito sina Senators Bong Go, Sonny Angara, JV Ejercito, at Sherwin Gatchalian; Congressmen Alfred Vargas, Mike Velarde, Mikee Romero, Paolo Duterte, at Lucy Torres-Gomez;

DPWH Secretary Mark Villar; Mayors Sara Duterte at Joy Belmonte; PTV4 host Chi Atienza-Valdepenas; at ang mga aktor na sina Robin Padilla at Phillip Salvador.


Continue reading below ↓

Talk of the town noong nakaraang taon ang binyag kay Sara Kristina dahil sa en grandeng selebrasyon at sa pagdalo ng mga sikat at makapangyarihang mga personalidad.

SARA KRISTINA'S TWIN BROTHER

Pero ang hindi alam ng publiko, may malalim at mahalagang dahilan kaya nagpasya ang Velasco couple na magkaroon ng magarbong handaan.

May kakambal si Sara Kristina nang isilang ito ni Wen noong March 29, 2019.

Pero sa kasamaang-palad, namatay ang twin brother niyang binigyan ng pangalang Emmanuel ng kanyang mga magulang.

Ang malaking selebrasyon ang paraan ng pagbibigay-parangal ng mag-asawa sa kanilang pumanaw na anak, na ipinagpapatayo nila ng chapel at park sa Marinduque para manatiling buhay ang alaala nito.

Kalakip sa imbitasyong ipinamahagi ng mga Velasco ang card na may nakasulat na: “In memory of baby Emmanuel, we would like to request our guests NOT to be in all black and red colors."

Tungkol naman sa regalo, ito ang sabi ng imbitasyon: "On baby Sara’s special day, all we ask is your presence. But if you wish to give her a Gift, we would gladly accept Donations (cash or cheque) to build Emmanuel’s Infant Jesus Chapel and Emmanuel’s Park for the Children of Marinduque. Check payable to A5R Dynamics Construction Corporation."

Continue reading below ↓


Noong August 2020, muling nagsilang ng baby boy si Wen kaya pakiramdam nilang mag-asawa ay parang pinagkalooban siya ng Panginoon ng kapalit ni Emmanuel.

Lord Jose Maria, na may palayaw na Jomar, ang pangalang ibinigay nina Lord at Wen sa kanilang bunsong anak.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pormal nang nailuklok si Marinduque Representative Lord Allan Velaaco bilang bagong House Speaker ngayong Martes, October 13. Si Velasco ay kilalang malapit at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results