Vincy Vacalares nag-withdraw sa Miss Universe Philippines dahil sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Oct 17, 2020
Nag-withdraw sa Miss Universe Philippines 2020 ang kandidatang si Vincy Vacalares. Ang rason: "I tested positive for Covid-19 last October 14."
PHOTO/S: @vincyvaalaresformup2020 on Instagram

Muling nabawasan ang official candidates ng unang Miss Universe Philippines dahil nagpositibo sa COVID-19 ang kandidata ng Cagayan de Oro na si Vincy Vacalares.

Naglabas ng kanyang official statement kaninang madaling araw, October 17, 2020:

"With a heavy heart, allow me to break the news to all of you that I tested positive for Covid-19 last October 14. This means that I will not be able to continue with my journey to the Miss Universe Philippines crown this year.

"My team and I did all our best to strictly follow all the health and safety protocols, but still the virus hit me. To those I had in close contact with, please inform the City Health Officers so they can also check on your state. I pray that you are safe from the virus.

"I am currently confined in a hospital here in Manila and rest assured, I am in good hands.

"I sincerely apologize for what happened. Please be always on the lookout for your health and safety..."

Continue reading below ↓

Bago pumunta sa Baguio City ang mga kandidata at ang production staff, sumailalim ang lahat sa swab test.

Nang lumabas ang resulta, nakumpirmang positibo sa virus si Vincy.

Gamit ang logo ng Miss Universe Philippines, agad na naglabas ng anunsiyo ang mentor ng kandidata na si Jory Rivera.

Samantala, si Vincy ang pangalawang kandidata na nag-back out sa pageant dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang Sorsogon delegate na si Isabela Galeria.

Bagamat idineklara na siyang COVID-19 survivor ng Departmnet of Health at nagnegatibo sa test noong October 11, nagdesisyon pa rin itong hindi na ituloy ang Miss Universe Philippines pageant journey nito this year.

Ang bahagi ng pahayag niya sa social media ay, "Even with a strong will to fight, my body is not well conditioned yet."

Mahigpit na ipatutupad ang health and safety protocols sa coronation day ng Miss Universe 2020 sa Baguio Country Club dahil hindi ito magiging bukas sa publiko.

Tanging ang mga kandidata, host, performers, judges at ang production staff na may mga importanteng tungkulin sa magaganap na koronasyon ang papayagang makapasok sa Cordillera Convention Hall bilang proteksiyon laban sa paglaganap ng COVID-19.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-withdraw sa Miss Universe Philippines 2020 ang kandidatang si Vincy Vacalares. Ang rason: "I tested positive for Covid-19 last October 14."
PHOTO/S: @vincyvaalaresformup2020 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results