Tuloy ang The Clash Season 3 journey ni Cholo Bismonte

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2020
Tuloy ang The Clash Season 3 journey ni Cholo Bismonte (R), dating kasama nina Rita Daniela (top, left photo) at Julie Anne San Jose sa Sugarpop, isang child-musical group ng GMA-7 na naging aktibo mula 2006 hanggang 2009.
PHOTO/S: File; @gmatheclash on Instagram

Magpapatuloy ang The Clash Season 3 journey ni Cholo Bismonte.

Si Cholo ang kasamahan nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela sa Sugarpop, isang child-musical group ng GMA-7 na naging aktibo mula 2006 hanggang 2009.

Isa si Cholo sa mga finalist ng Popstar Kids, ang singing contest ng QTV11 na umere noong November 2005.

Ang tunay na pangalan na Rita Iringan ang ginamit noon ni Rita Daniela, na tinanghal na grand champion ng unang season ng Popstar Kids.

Tinalo niya sina Julie Anne at Cholo.

Bago naging Rita Daniela si Rita, gumamit din siya ng screen name na Rita De Guzman, pero ang Daniela ang nagbigay sa kanya ng suwerte.

Ngayong 2020, muling nagkasama-sama ang tatlo sa entablado ng The Clash, si Julie bilang host o Clash Master...

Continue reading below ↓

...si Rita ay Class journey host...

...at si Cholo naman ay contestant.

Sinubukan ni Cholo ang kapalaran niya sa The Clash, pero sa pilot telecast pa lang ng nabanggit na singing competition noong October 3, naligwak siya kaya nalungkot ang fans ng Sugarpop na naniniwala sa kanyang kakayahan.

Kagabi, October 17, nagkaroon ng announcement si Julie tungkol sa "big twist,” dahil imbes na labinglima, magiging dalawampu na ang bilang ng Top of the Clash na magtatagisan ng galing.

Continue reading below ↓

Muling naglaban-laban ngayong Linggo ng gabi ang contestants na hindi nakapasa sa unang round, at lima ang pinili sa kanila.

Top of the Clash

Bukod kay Cholo, magpapatuloy rin ang The Clash journey nina Rose Velasquez, Rash Almasan, Kyle Pasajol, at Jennie Gabriel, na pamilyar sa televiewers dahil impersonator siya ni Angel Locsin at madalas na sumasali sa mga singing competition sa telebisyon tulad ng Pinoy Pop Superstar at "Tawag ng Tanghalan," na popular segment sa It's Showtime.

Continue reading below ↓

Former contestants din ng singing contest ng It’s Showtime sina Rose at Kyle.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy ang The Clash Season 3 journey ni Cholo Bismonte (R), dating kasama nina Rita Daniela (top, left photo) at Julie Anne San Jose sa Sugarpop, isang child-musical group ng GMA-7 na naging aktibo mula 2006 hanggang 2009.
PHOTO/S: File; @gmatheclash on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results