Willie Revillame, personal na nasaksihan ang pinsala ng super typhoon Rolly sa Catanduanes

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2020
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Pinaghahandaan na ng mga residente ng Catanduanes ang inaasahang pagdating ni Typhoon Ulysses ngayong gabi, November 10.

Ang Catanduanes ang isa mga nasalanta nang husto ni Super Typhoon Rolly noong November 1, kaya hindi pa nakakaahon ang mga residente mula sa kalamidad na kanilang naranasan.

Sa press conference na naganap ngayong umaga, sinabi ng isang opisyal ng PAGASA na mamayang gabi hanggang bukas, November 11, ang mga kritikal na oras sa Bicol region dahil sa paparating na Typhoon Ulysses.

Pahayag ng isang PAGASA official, “Ang kilos ng bagyo ay hindi talaga dire-diretso. Pwede siyang mag-landfall din or hagip yung isla ng Catanduanes bandang norte or puwedeng hanggang dito sa gitna ng Catanduanes. Ito po ay inaasahan natin na mas malapit siya bukas ng hapon.”

Sinabi rin ng PAGASA official na dalawa hanggang apat na bagyo pa ang inaasahan na papasok sa Pilipinas bago matapos ang 2020.

WILLIE REVILLAME IN CATANDUANES

Nasaksihan ng TV host na si Willie Revillame ang mahirap na kalagayan ng ating mga kababayan sa Gigmoto, Catandues, na binisita niya at binigyan ng tulong noong Linggo, November 8.

Continue reading below ↓

Ang Gigmoto ang isa sa mga bayan sa Catanduanes na binayo nang todo ni Super Typhoon Rolly.

Sa live telecast ng Wowowin kahapon, November 9, ikinuwento ni Willie ang mga nakita at naranasan sa kanyang biglaang pagpunta sa naturang bayan.

“Naisipan ko lang pumunta noong Linggo. Tatlong chopper ho kami. Doon ho ako natulog, medyo mainit pa talaga dahil wala pang mga ilaw.

“Dinalaw ko ho yung matanda na nagre-request na ‘Willie, puntahan mo kami dito. Hirap na hirap ang buhay namin.’

“Dinalaw ko ho sila kaya lang baka kapag napanood n’yo sa 24 Oras yung news, e... Wala hong may sakit doon kaya maayos naman.

“Saka mahirap ho na kontrolin. Hindi ko akalain na ganoon karaming tao ang sasalubong sa akin. Pupuntahan ko lang yung matanda na nanghingi ng tulong,” bungad na kuwento ni Willie tungkol sa kanyang pagbisita sa Gigmoto.

Patuloy niya, “Kawawa ho yung mga buhay nila doon, walang masilungan.

Continue reading below ↓

"Yung yero, putol-putol, nakakatakot. Wala ho talaga. Mga tolda lang ho.

"Yung mga military, mga PNP, mga pulis, lahat, yung rescue, saludo ako sa inyo. Nandoon kayo halos beinte kuwatro oras na nagsisilbi sa ating mga kababayan.

"Nakiusap ako sa isang malaking helicopter ng rescue na doon ikarga yung mga kumot at mga gamot. Kahit medyo madilim na, ginawa nila ng paraan para maipadala lahat sa ating mga kababayan na nangangailangan po ng tulong.

"Napakabait ng mga tao [sa Gigmoto], hindi nila ninanakaw yung mga kable ng poste na bagsak na.

"Ginabi ho ako sa Gigmoto so nag-by land ako. Ang daming landslides, zigzag, almost two and a half hours yung biyahe.

"Salamat din sa DPWH, Secretary Mark Villar, ang bilis ng paggawa sa mga kalye, lahat ng mga nag-landslide."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results