April Boy Regino dead at 59 years old, not 51

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2020
April Boy Regino age
Si April Boy Regino ay 59 years old, hindi 51, na siyang nakalagay na edad niya sa Wikipedia.
PHOTO/S: Album Cover, File

Si April Boy Regino po ay 59 years old.

Hindi po "fake news" ang nasa headline ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) report na 59 years old nang bawian siya ng buhay nitong Linggo ng madaling-araw, November 29, 2020.

April Boy Regino death news

Acute respiratory failure ang kanyang cause of death.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng kalituhan sa tunay na edad ni April Boy dahil nakalagay sa Wikipedia na ipinanganak siya noong April 9, 1969, at marahil, ito ang ginamit na basehan ng ibang mga news organization nang ibalita nila ang pagpanaw ng singer na binansagang Jukebox Idol.

Maraming netizens tuloy ang nagkomento na "fake news" ang nasa balita ng PEP.ph.

April Boy Regino death comment

Continue reading below ↓

April Boy Regino death comment

April Boy Regino death comment

Continue reading below ↓

Pero ayon sa fact checking na ginawa ng Cabinet Files bago ilathala ang report:

Isinilang si April Boy noong April 9, 1961.

Kinumpirma ito ni Atty. Jemela Nettles, ang U.S. immigration lawyer na nakausap ng writer na ito ngayong umaga sa pamamagitan ng overseas call.

Shocked na shocked si Atty. Nettles nang malamang namayapa na ang kaibigan niya.

Si Atty. Nettles ang tumulong kay April Boy para magkaroon ng extraordinary ability visa ang singer, na natupad ang pangarap na manirahan sa Amerika, kasama ang kanyang asawang si Madel at dalawang anak noong October 2005.

Ang extraordinary ability visa, ayon sa website ng US Citizenship and Immigration Services, ay ibinibigay sa "individual who possesses extraordinary ability in the sciences, arts, education, business, or athletics, or who has a demonstrated record of extraordinary achievement in the motion picture or television industry and has been recognized nationally or internationally..."

April Boy Regino lawyer

Continue reading below ↓

Bukod kay Atty. Nettles, mismong ang pamilya ni April Boy ang nagsabing na 59 years old ito nang sumakabilang-buhay.

Narito ang mga larawan sa 59th birthday celebratio ni April Boy nitong April.

Isa mga mga hashtags na ginamit ng misis ng singer ay #Happy59thBirthday.

Personal na inasikaso ni Atty. Nettles ang mga dokumento na kailangan ni April Boy at ng pamilya kaya hawak niya ang katibayan na April 9, 1961 ang birthdate ng pumanaw na singer.

Continue reading below ↓

April Boy Regino lawyet

Ikinuwento ni Atty. Nettles ang paglipad ni April Boy sa Las Vegas mula sa California noong 2011 para saksihan ang oath-taking ni April Boy bilang U.S. citizen.

"Sa Las Vegas siya nag-apply ng citizenship in December 2010, at March 23, 2011 ang oath-taking niya as US citizen.

Continue reading below ↓

"Before that, I flew to Manila para sa kanilang greencard interview sa US Embassy noong 2005."

Ang huli raw nilang pagkikita ay six years ago. At that time, nawala ang paningin ni April Boy dahil pumutok ang ugat sa mga mata niya nung tumaas ang kanyang blood-sugar level.

Sa pagpapatuloy ni Atty. Nettles, "The last time na nagkita kami was September 6, 2014, nung umuwi ako sa Pilipinas. Medyo hindi na nakakakita si April Boy. I did not visit anybody. He was the only one I visited.

"Ang sabi niya, 'I can hear your voice, it’s you, Atty. Nettles.'

"Sinusundan ng mata niya ang anino ko dahil nabulag siya noon,” ang kuwento pa ni Atty. Nettles.

Meanwhile, Acute Respiratory Disease- Kidney Disease Stage 5 ang exact cause of death ni April Boy, at ayon ito sa impormasyon na sinabi ng kanyang asawa na si Madel sa veteran entertainment writer na si Cristy Fermin.

Continue reading below ↓

Isinugod kahapon, November 28, si April Boy sa Metro Antipolo Hospital and Medical Center dahil nahihirapan siyang huminga.

Agad na isinailalim si April Boy sa emergency dialysis procedure dahil sa mataas na creatinine level, at ito ang isa sa mga naging sanhi ng kamatayan niya.

Hanggang sa huling sandali ng buhay ni April Boy, ang kanyang mga anak at apo ang inihahabilin niya.

Higit sa lahat, hindi nawala ang malakas at taimtim na pananampalataya niya sa Panginoong Diyos.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si April Boy Regino ay 59 years old, hindi 51, na siyang nakalagay na edad niya sa Wikipedia.
PHOTO/S: Album Cover, File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results