Heartbreaking ang balita tungkol sa pagkakaroon ng leukemia ni Zoey Taberna, ang panganay na anak nina Anthony at Rossel Taberna.
Pero sa tulong ng mga panalangin, mga mahuhusay na doktor, at modern science, malaki ang posibilidad na gumaling ang may karamdaman tulad ng nangyari kay Caleigh.
Si Caleigh ang nag-iisang anak na babae ng dating aktres na si Jackie Forster.
Three years old si Caleigh nang magkaroon ng leukemia, at marami ang sumubaybay sa pakikipaglaban niya sa kanyang karamdaman hanggang gumaling siya nang tuluyan.
Ang malungkot na balita tungkol sa sakit ni Zoey ang dahilan para maalaala namin si Roxanne Abad Santos.
Si Roxanne ang aktres na bida sa Miracle of Love, ang 1982 movie kung saan kasama niya sa cast sina Gabby Concepcion at Snooky Serna.

May leukemia na si Roxanne nang gawin nito ang Miracle of Love, na project ng GC Films, ang movie outfit na pag-aari ng pamilya ni Gabby.
Tinalakay sa kuwento ng Miracle of Love ang sakit ni Roxanne.
Cancer victim din ang karakter na ginampanan niya sa pelikula na kinunan ang mga eksena sa Germany at Italy.
Hindi nakaligtas noon sa mga batikos si Roxanne at ang Concepcion family. Pinaratangan silang gimik lamang ang pagkakaroon ng leukemia ng lead actress para paingayin ang kanilang pelikula.

Pero napatunayang totoo ang karamdaman ni Roxanne nang sumakabilang-buhay siya noong June 25, 1982 sa edad na 24.
Ang Miracle of Love ang una at huling pelikula ni Roxanne.
Hindi na niya napanood ang sarili sa big screen dahil namatay siya ilang linggo bago ipinalabas sa mga sinehan ang kanyang launching movie.
As expected, pinilahan sa box office ang Miracle of Love nang magbukas ito sa mga sinehan noong July 8, 1982, ilang araw matapos bawian ng buhay si Roxanne.
Added attraction ng pelikula ang film clip ng kanyang libing.
Tatlumpo’t walong (38) taon na ang nakalilipas mula nang mamayapa si Roxanne kaya marami na ang hindi nakakakilala o nakakaalala sa kanya.
Pero nakakapangilabot isipin ang aming nalaman na ngayong araw ang 63rd birth anniversary ni Roxanne dahil isinilang siya noong December 3, 1957.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika