PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose, kinikilig sa engagement ng anak na si Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo

Jaclyn Jose, proud sa kanyang dalawang anak.
by Jojo Gabinete
Published Dec 22, 2020
jaclyn jose andi-philmar engagement
Jaclyn Jose on engagement of daughter Andi Eigenmann to surfer Philmar Alipayo: "Yes happy! Kinilig ako sa proposal sa vlog! Yung foggy 'tapos voice lang ang naririnig? And the underwater shot? It was beautiful!”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Maligayang-maligaya ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa engagement ng kanyang anak na si Andi Eigenmann at ng fiancé nitong si Philmar Alipayo.

"Ang anak ko, ikakasal na. Happy nanay,” caption ni Jaclyn sa larawan ni Andi noong bata pa ito sa kanyang Instagram post noong Lunes, December 21.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong hapon, December 22, kinikilig pa rin si Jaclyn sa proposal vlog nina Andi at Philmar nang makausap siya ng Cabinet Files.

"Yes happy! Kinilig ako sa proposal sa vlog! Yung foggy 'tapos voice lang ang naririnig? And the underwater shot? It was beautiful!” sabi ni Jaclyn tungkol sa mala-fairytale na litrato at video ng marriage proposal ni Philmar kay Andi.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Excited na si Jaclyn sa pagsisilang ni Andi sa kanyang pangatlong apo, isang baby boy, dahil nasisiyahan siya sa pagkakaroon ng malaking pamilya.

Tuwang-tuwa rin si Jaclyn dahil sa kanyang mga cute at bibong apo na sina Ellie at Lilo.

"Nakakatuwa si Lilo, napakabibo. Malapit na yung pangatlo, excited na rin ako. Masaya ang malaking pamilya,” buong pagmamalaki ng aktres na nagbigay ng malaking karangalan sa Pilipinas nang manalo siyang best actress sa 69th Cannes Film Festival noong May 2016.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ellie and Lilo

Ang kanyang mga anak na sina Andi at Gwen at ang mga apo na sina Ellie at Lilo ang itinuturing ni Jaclyn na mga tunay na kayamanan niya.

Star material din si Gwen na isang mahusay na musician.

Matagal nang kinukumbinsi si Gwen na pumasok sa showbiz, pero indie movie ang gustong gawin nito kung sakaling magdesisyon siyang sundan ang yapak ng kanyang ina at kapatid.

"Indie daw, okey siya," sambit ni Jaclyn tungkol sa possible acting career para sa kanyang anak na lalake.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gwen Guck

"Mababait yung dalawang anak ko, lalo na si Gwen. Si Andi, super matured and she likes taking care of her family hands on.

"Sila ang mga bunga ng pinaghirapan ko," masaya at proud mother na pahayag ni Jaclyn.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose on engagement of daughter Andi Eigenmann to surfer Philmar Alipayo: "Yes happy! Kinilig ako sa proposal sa vlog! Yung foggy 'tapos voice lang ang naririnig? And the underwater shot? It was beautiful!”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results