Walang censorship at walang first-day, last-day ang sampung pelikulang opisyal na kalahok sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Magsisimula ang pagpapalabas ng mga official entries hatinggabi ng December 25 sa UPSTREAM.ph, ang video-on-demand platform na bumuo ng partnership sa MMFF at Metro Manila Development Authority (MMDA), ang organizers ng annual film festival na idinaraos tuwing Pasko.
Ang first-day, last-day sa mga sinehan ng mga pelikulang hindi tinatangkilik ng manonood ang isa sa mga ikinatatakot noon ng mga producer.
Pero may peace of mind silang mararamdaman sa MMFF 2020 na nagkaroon ng mga pagbabago sa sistema dahil sa coronavirus pandemic.
Ang direktor na si Erik Matti ang managing creative partner ng UPSTREAM.ph.
Siya ang nagpaliwanag tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa MMFF ngayong 2020, na pabor sa mga movie producers at sa mga manonood.
"Noche Buena pa lang, pwede nang mapanood ang sampung entries sa 46th Metro Manila Film Festival.
"Before, nagbubukas ang mga sinehan ng December 25, pero online tayo," magandang balita ni Matti.
"Yung isang major na usapan namin with producers is sales report, kasi 24 hours, tuluy-tuloy ang sales.
"So, ginawan namin ng access ng producers. Every five minutes, they can look at the sales report, real time.
"On December 25, on the MMFF launch, the launch happens 12 midnight pa lang.
"If after Christmas, humaba na yung enjoyment sa bahay, pwede ka nang mag-on ng TV mo or ng laptop o tablet, and manood kaagad ng MMFF movies."
NO CENSORSHIP
Hindi daraan sa MTRCB ang MMFF entries na mapapanood sa UPSTREAM.ph dahil hindi saklaw ng nasabing government agency ang online streaming ng mga pelikula.
Pero tiniyak ni Matti ang pagpapairal nila ng self-regulation.
Saad niya, "In terms of ratings, siyempre MTRCB is not yet part of online.
"Pero we took it upon ourselves dito sa UPSTREAM, naisip lang namin na we don’t have any issues with any government agency, especially now that this is also a government project.
"We took it upon ourselves to do self-regulatory tags on each titles.
"So if you go to the website of UPSTREAM, you see the title, you look at the info of the title.
"If you see the name of the movie Tagpuan, it says the number of minutes of the film, the genre, and underneath it, we assigned certain words.
"We don’t rate it PG, R-13. I don’t think we have the right to do that.
"So, ang ginawa lang namin is 'slight drug use, partial nudity, extreme violence or expletives.'
"Mga ganoon sa bawat movie, hoping that when you’re a viewer, you get the idea of who is it for."
Sabi pa ni Matti, "Walang censorship ang online.
"Ang burden of responsibility to make sure that what we are showing is within the required standards set by the law, the burden falls on UPSTREAM."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.