Sina Marco Gumabao at Kylie Verzosa ang mga host ng Gabi ng Parangal ng 46th Metro Manila Film Festival na live na mapapanood sa official Facebook page ng MMFF ngayong gabi, 7 p.m., December 27.
Para makatiyak na COVID-19 free ang lahat ng papasok sa Project Space studio ng Globe sa Makati City, ang studio para sa mga host, sumailalim sa real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test sina Marco, Kylie, ang production staff, at ang lahat ng may importanteng partisipasyon sa Gabi ng Parangal.
Presenters sina Cabinet Secretary Karlo Nograles, MTRCB Chair Rachel Arenas, at MMDA Assistant Secretary and Spokesperson Celine Pialago.
Mga presentor sa major categories ng 46th MMFF awards night sina Judy Ann Santos at Allen Dizon, ang best actress at best actor winners, respectively, ng 45th MMFF noong 2019; ang Pakboys: Takusa star na si Ana Roces; ang Suarez, The Healing Priest actor na si John Arcilla; at si Quezon City District V Alfred Vargas, ang lead actor ng Tagpuan.
Hinihiling sa mga nominado sa 46th MMFF na maagang mag-log, 6 p.m., sa Zoom para sa framing ng kanilang mga Zoom window.
Bago umpisahan ang pamamahagi ng parangal, magkakaroon ng interbyu sina Marco at Kylie sa mga invited Zoom guests para sa Globe Blue Carpet Exclusive segment ng Gabi ng Parangal ng 46th MMFF.
Inaasahang tatagal lamang ng dalawang oras ang Gabi ng Parangal dahil wala ang mga nakasanayang production number ng mga artista na may mga pelikulang opisyal na kalahok sa annual MMFF.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika