Engaged na ang dating Kapuso teen star na si Gianna Revilla sa kanyang boyfriend na si Jed Patricio.
Nangyari ang marriage proposal ni Jed kay Gianna noong mismong Pasko, December 25.
Si Gianna ay anak nina Senator Bong Revilla Jr. at Bacoor City Mayor Lani Mercado.
Naging bahagi rin si Gianna ng entertainment industry dahil mainstay siya noon ng Teen Gen, ang youth-oriented show na napanood sa GMA-7 mula December 2012 hanggang June 2013.

"BEST CHRISTMAS EVER"
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Gianna sa kanyang social media friends and followers ang mga litrato ng engagement nila ni Jed.
Ito ang mesnahe niya sa caption: "BEST CHRISTMAS GIFT EVER. Words cannot express how happy I am! I’m thrilled for what God has prepared for us baby. I will love you forever, through thick and thin."

Siyam na taon na ang relasyon ni Jed at ng 25-year-old daughter nina Bong at Lani.
Gaya ni Gianna, sabik na si Jed sa bagong kabanata ng buhay na tatahakin nila ng babaeng kanyang piniling makasama sa habampanahon.
Mensahe niya para sa kanyang future wife, "I am beyond excited to jump in our new season. I can’t imagine life without you. You make everything better. You have my heart. Always and forever, Gianna."

BONG AND LANI'S MESSAGE
Ginamit din ni Bong ang social media accounts nito para sa batiin sina Gianna at Jed at ihayag ang kanyang pagkagulat dahil sa bilis ng pangyayari.
Sabi ni Bong, "Congratulations sa aking anak na si Gianna at kay Jed!
"Talagang magiging memorable ang Paskong ito. Sa kabila ng lahat ng mga bumabalot na pagsubok at walang kasiguruhan, nariyan ang pangako ng mas magandang bukas mula sa Panginoon.
"At 'yan nga ang naging regalo Niya sa aming pamilya.
"Gianna and Jed, your engagement is an expression of God's love. It is a blessing and gift that you should always cherish.
"Lagi niyo Siyang gawing sentro ng inyong pagmamahalan at uumpisahang buhay na magkasama.
"Honestly, nagulat ako anak, medyo nalungkot dahil baby girl pa rin kita, pero siyempre nandun ako kung ano ang ikakasaya mo."
Panalangin naman ang mensahe ni Lani para sa kanyang anak at sa magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya.
"It has been 9-years and now both of you decided to take it to the next level. Congrats mga anak!!! Prayers for both of you. We love you both!!!” sabi ng Bacoor mayor.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika