Star Magic artist Arielle Roces at GMA Artist Center talent Royce Cabrera, magsasama sa WeTV series

by Jojo Gabinete
Jan 13, 2021
Arielle Roces and Royce Cabrera star in the WeTV's mystery-thriller series Section St. Valentine: The Disappearance of Divine.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Gumawa ng ingay si Charlie Dizon bago natapos ang 2020 dahil sa best actress award na napanalunan niya sa 46th Metro Manila Film Festival para sa kanyang mahusay na pagganap sa Fan Girl.

Ngayong 2021, ang promising actors na sina Arielle Roces at Royce Cabrera ang magbubukas ng 2021 dahil sa malaking oportunidad na ibinigay sa kanila.

Sila ang bida sa Section St. Valentine: The Disappearance of Divine, ang opening salvo ng WeTV ng Tencent Video, ang leading online video platform sa China.

Magsisimula sa Biyernes, January 15, ang streaming sa WeTV ng mystery-thriller series na tinatampukan nina Arielle at Royce.

Kasama rin sa cast ang mga baguhang aktor na sina Jem Macatuno, Aedel Peña, Raphael Robes, Polo Laurel, at Thamara Pacursa.

Si Royce ang newest contract star ng GMA Artist Center.

Nag-umpisa ang kanyang acting career noong 2013 at nagkasunud-sunod ang mga project mula nang mapansin sa Fuccbois ang galing niya sa pag-arte.

Continue reading below ↓

Ang Fuccbois ang Cinemalaya movie na pinagbidahan nila ni Kokoy de Santos na gumawa ng ingay noong 2019.

Discovery si Arielle ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN. Pero ang Rein Entertainment ang nagbigay sa kanya ng malaking break bilang lead actress ng Section St. Valentine.

"I’m very grateful. Ramdam na ramdam ko yung pag-aalaga sa akin.

"May mga workshop na ipinapagawa sa akin. Tinutulungan nila ako and they’re very active sa pagho-hone sa skills namin.

"Never ko talagang naramdaman yung pagpapabaya despite na anong nangyari sa 2020.

"Hindi naging hindrance para for them to stop honing our skills, kaming mga artist nila so thankful ako," pasasalamat ni Arielle sa importansiyang ibinigay sa kanya ng Rein Entertainment, ang producer ng Section St. Valentine.

Arielle Roces in Section St. Valentine

Continue reading below ↓

Ibinida ni Arielle na must-see ang original TV series na mapapanood sa WeTV dahil napapanahon ang kuwento nito.

"It will cover some important issues that we’re going through right now like the pandemic, the issues that the Philippines is going through—oligarchy, corruption, drug abuse, new norms ng online classes, lahat na-cover po nito," kuwento ni Arielle.

Ang Section St. Valentine ay nilikha ni Shugo Praico at ng writer/director na si Philip King.

"Gusto ko lang magpasalamat sa iFlix and WeTV for making such original content for Pinoy stories.

"Masaya ito para sa aming mga content trading companies na makapagbahagi ng kuwento namin, another platform is open for us," ani Shugo sa virtual preview at media conference ng Section St. Valentine nitong Miyerkules ng gabi.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arielle Roces and Royce Cabrera star in the WeTV's mystery-thriller series Section St. Valentine: The Disappearance of Divine.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results