ASAP Natin 'To, mapapanood na sa TV5 simula sa January 24

by Jojo Gabinete
Jan 18, 2021
PHOTO/S: ASAP Official Facebook

Marami ang nabigla sa desisyon ng Brighlight Productions na kanselahin ang airing ng Sunday Noontime Live.

Pero tiyak na higit marami ang magugulat sa programang ipapalit ng TV5 sa timeslot ng noontime musical-variety show nina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Catriona Gray na nagpaalam kahapon, January 17.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, mapapanood sa TV5 simula sa darating na Linggo, January 24, ang ASAP Natin 'To ng ABS-CBN.

Ang nalalapit na airing ng ASAP Natin 'To sa TV5 ang bahagi ng nabuong partnership sa pagitan ng Kapamilya Network at Kapatid Network.

Pero mapapanood pa rin ang Sunday noontime musical-variety show ng ABS-CBN sa A2Z.

Former mainstay ng ASAP sina Piolo at Maja bago sila lumipat sa Sunday Noontime Live na nag-umpisa noong October 18, 2020.

Interesting malaman na ang dating programang kanilang iniwanan mula nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN noong July 10, 2020 ang ipapalit sa nabakanteng timeslot ng Sunday Noontime Live.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: ASAP Official Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results