PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, handa nang umamin tungkol sa kanyang pagbubuntis

Aktres, tapos nang mag-maternity video and photo shoot.
by Jojo Gabinete
Published Jan 21, 2021
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Tila trend ngayon ang ililihim muna ang pagbubuntis at bibiglain na lamang ang publiko sa pamamagitan ng sunud-sunod na social media posts ng mga showbiz personality na nagsilang ng sanggol.

Ito ang ginawa ng mga aktres na sina Meryll Soriano at Janella Salvador.

Nagtagumpay si Meryll dahil naitago nito nang mabuti ang pagbubuntis at pagsisilang niya sa love child nila ni Joem Bascon.

Natunugan naman ng media ang kalagayan ni Janella kaya napabalita muna ang kanyang panganganak bago sila umamin ng boyfriend niya na si Markus Paterson.

One of these days, aaminin na rin ng isang aktres ang pagbubuntis niya dahil tapos na ang kanyang maternity video and photo shoot.

Produkto ng artista search ang aktres, pati na ang actor-boyfriend niyang nakabuntis sa kanya.

Hindi inililihim ng aktor ang kalagayan ng aktres dahil sinasabi niya sa mga malalapit na kaibigang handa siyang panagutan at pakasalan ang kanyang girlfried.

Naghihintay lamang ang aktor at ang aktres ng perfect time para sa kanilang "grand reveal" via social media na malapit na silang magkaroon ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na active sa social media ang aktres dahil sa kanyang sitwasyon, pero isang social media follower niya ang nagtanong ng “Are you pregnant?”

Walang sagot na natanggap ang usiserong fan dahil hindi pinatulan ng aktres ang tanong niya.

Hindi nagkakalayo ang kapalaran ng boyfriend ng aktres at ng kapatid niyang showbiz personality rin dahil nabuntis muna nito ang actress-girlfriend bago nila inamin sa publiko noong 2017 na magiging nanay at tatay na sila.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results