Jeric Raval, ipinaliwanag kung bakit di niya suportado ang pagpapaseksi ng anak na si AJ Raval

by Jojo Gabinete
Jan 22, 2021
jeric raval daughter aj raval
Jeric Raval on daughter AJ: "Masaya ako dahil nabibigyan si AJ ng Viva ng mga project at, sa tingin ko, madali siyang matatanggap ng fans sa tuwing nababanggit na anak siya ni Jeric Raval dahil may recall agad."
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita ang former action star na si Jeric Raval tungkol sa pagpapaseksi sa pelikula ng kanyang anak na si AJ Raval.

Si AJ ay ipinakikilala sa sexy comedy movie na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

Sa virtual presscon ng Pornstar noong January 13, nagsalita si AJ na hindi suportado ng ama niya ang kanyang pagpapaseksi sa pelikula.

Nakumpirma ito sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Jeric nitong Biyernes, January 22.

Tahasang sinabi ng dating action star na walang suportang matatanggap si AJ mula sa kanya dahil sa mga sexy scenes ng anak niya sa Pornstar.

Ayon kay Jeric, "Bilang ama, walang may gusto na yung anak niya ay nagpapakita ng balat at pa-sexy, kasi alam ko kung ano ang naglalaro sa isipan ng mga lalakeng manyak.

"Ayokong dumating sa punto na baka mabastos ang anak ko at ako pa ang masisi.

"May TikTok account nga ‘yan, pinagalitan ko dahil nagti-twerk siya. Huwag dun, nalalaswaan ako.

Continue reading below ↓

"Baka sabihin pa ni Idol Ben Tulfo, wala siyang tatay kaya walang makukuhang suporta sa akin ang pagpapaseksi niya!"

Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ni Jeric sa landas na pinili ni AJ, ipinagmamalaki niya ang mainit na pagtanggap ng publiko sa pagpasok sa showbiz ng kanyang anak.

Naniniwala si Jeric na nakatulong ang pangalan niya kaya mabilis na nakilala si AJ.

Aniya, "Natural lang sa isang ama na maging proud dahil maganda ang pasok ni AJ sa showbiz kahit matamlay ang industriya.

"Masaya ako dahil nabibigyan si AJ ng Viva ng mga project at, sa tingin ko, madali siyang matatanggap ng fans sa tuwing nababanggit na anak siya ni Jeric Raval dahil may recall agad.

"Hopefully, mas makikilala si Babatong o Bats, ‘yan ang tawag namin sa kanya.

"Sa taon na 'to, matutupad na ang mga pangarap niya, although I don’t believe in luck."

Mensahe pa ni Jeric sa anak, "Ang maipapayo ko sa kanya ay huwag na huwag siyang magiging mayabang o lalaki ang ulo niya.

Continue reading below ↓

"Mahalin niya ang mga tao na nakatulong sa kanya, mahalin niya ang sarili at mahalin niya ang trabaho.

"Matuto siyang makitungo nang maayos sa kanyang mga katrabaho at sa mga taong kaharap niya.

"Bata pa kasi si Bats, playful na, pero mapagmahal siya sa mga magulang at kapatid niya.

"Mahilig din siya sa mga gamit na panlalake at magka-impulsive siya nang konti. ‘Yan ang namana niya sa akin.

"I’m looking forward that someday, she can carry a conversation. And when that time comes, hindi na niya ako kailangan sa tabi niya, siya na ang kailangan ko sa tabi ko."

May concept nang naiisip si Jeric kung sakaling dumating ang araw na pagsamahin sila ni AJ sa isang movie project.

"May concept na ako pero hindi ko pa pwedeng ikuwento. Pero tungkol ito sa mag-ama na may anak na matigas ang ulo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval on daughter AJ: "Masaya ako dahil nabibigyan si AJ ng Viva ng mga project at, sa tingin ko, madali siyang matatanggap ng fans sa tuwing nababanggit na anak siya ni Jeric Raval dahil may recall agad."
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results