PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nathalie Hart, aminadong naghihirap ngayon

Nathalie Hart, inaming napupunta sa negosyo ang lahat ng kinikita niya.
by Jojo Gabinete
Published Jan 22, 2021
Nathalie Hart: "To be honest, naaayos ko naman, pero ganoon talaga ang buhay. Kailangan you have to really budget, yun ang ginagawa ko ngayon."
PHOTO/S: Instagram

Hindi itinanggi ni Nathalie Hart na nakakaranas siya ngayon ng hirap dahil sa pagiging single parent.

Kung anuman ang dapat na mapupunta sa kanyang anak na si Penelope, nagagamit sa negosyo na ipinundar niya.

Ipinagtapat ni Nathalie ang kasalukuyan niyang sitwasyon sa virtual presscon ng Steal, ang heist movie ng BluArt Productions na nagbukas sa mga sinehan ngayong araw, January 22, sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Saad niya, "For me now, habang tumatanda yung anak ko, yung lahat ng naiipon ko ngayon, I’m putting it into business.

"Medyo ngayon, naghihirap talaga ako.

"Kumbaga, kung ano yung magagastos ko sa bahay, sa anak ko… kasi whatever I have now, I’m putting it into business.

"So, kung ano na lang yung dapat napupunta sa anak ko, napupunta sa business.

"To be honest, naaayos ko naman, pero ganoon talaga ang buhay.

"Kailangan you have to really budget, yun ang ginagawa ko ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil Steal ang pamagat ng pelikula na pinagbibidahan nila nina Ella Cruz, Jennifer Lee, at Meg Imperial, napag-usapan din ang karanasan ni Nathalie nang maging biktima siya ng mga magnanakaw na pinagkatiwalaan niya.

"I hired two people na hindi ko talaga kakilala. I hired them from an agency 'tapos nagulat na lang ako na wala na akong Rolex watch.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Parang someone stole from me. Pero parang sa akin lang, nawala na, e. Anong magagawa ko?

"Ang sabi ko na lang, next time, hindi na ako mawawalan. Ang ginawa ko na lang ngayon, meron na akong camera [CCTV].

"I understand that people would not like my system of work. Pero now, whatever I do in my life, kailangan may camera, so that’s how it is.

"Parang sa akin, I understand that I trust those people, pero gusto ko pa rin na mata-trust ko pa rin sila na merong camera.

"So, yun ang ginagawa ko ngayon, talagang may ebidensya."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathalie Hart: "To be honest, naaayos ko naman, pero ganoon talaga ang buhay. Kailangan you have to really budget, yun ang ginagawa ko ngayon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results