Sharon Dacera, mga abugado nilinaw ang isyung P2 M insurance claim at VIP treatment diumano mula sa PNP

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2021
Sharon Dacera, The Boy Abunda Interview Special
Nagpaunlak ng interview si Sharon Dacera (kaliwa), mga abugado, at kaibigan nito sa YouTube show ni Boy Abunda na The Boy Abunda Interview Special (kanan).
PHOTO/S: Screengrab from The Boy Abunda Interview Special

Muling nagsalita si Mrs. Sharon Dacera tungkol sa kontrobersyal na pagpanaw ng kanyang flight attendant na anak na si Christine.

Pumanaw ang 23-year-old na dalaga noong January 1, 2021 sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Nangyari nitong gabi ng January 23, Sabado, ang live interview ni Boy Abunda kay Sharon sa The Boy Abunda Interview Special, ang kanyang show sa YouTube.

Kasama ni Sharon na humarap kay Boy ang kanyang mga legal counsel na sina Attorney Brix Reyes, Attorney Jose Ledda III, Attorney Marc Roxas, at si Doctor Marichie Ramos, ang tumatayong second mother ni Christine.

DENYING GALIDO'S CLAIMS ABOUT CHRISTINE

Maraming bagong rebelasyon sa kaso ni Christine, tulad ng pahayag ni Ramos tungkol sa isang insidente na nangyari umano noong December 22, 2020.

“December 22, she was here in the restaurant and December 27.

“December 22, she actually told my son that the group of Rommel Galido is trying to make her take drugs. And right away my son told her, ‘If they’re trying to make you take drugs, then they’re not your friends. A friend wouldn’t want to invite another friend to take drugs, that’s not a friend.’

Continue reading below ↓

"So my son right away told her to stay away from that group,” rebelasyon ni Ramos.

Kontra ito sa pahayag ni Galido at ng ibang mga kasama ni Christine sa Room 2209 na hindi sila gumagamit ng illegal drugs.

Negatibo rin ang resulta ng drug test na isinagawa sa grupo nina Galido.

Si Galido ang matalik na kaibigan ni Christine at kasama nito nang mangyari ang trahedyang tinutukan ng publiko.

Sa mga nakaraanG panayam sa mga kaibigan ni Christine, ibinulgar nilang gumagamit umano ng dating app ang nasawi at nagbabago raw ang ugali nito kapag nalalasing.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Sharon nang tanungin siya ni Boy kung totoong wild at warfreak ang kanyang anak sa tuwing nakakainom ng alak.

“Sir, kilala ko ang anak ko. Anak ko si Christine. Kung anuman yung salita nila na nato-throw to my daughter, I respect their words, but alam ko po hindi ganyan ang anak ko,” sagot ni Sharon.

Continue reading below ↓

Mahigpit din niyang itinanggi ang mga haka-hakang gumagamit ng prohibited drugs ang kanyang anak.

Dagdag pa niya, "Pinalaki po naminG may takot sa Panginoon ang anak ko, mabait at marunong magrespeto. Nakita niyo naman yung mga achievement ng anak ko. Ganyan ka-dedicated si Christine.”

WHERE IS MR. DACERA?

Mula nang maging national news ang pagkamatay ni Christine, si Sharon lamang ang nakikita ng publiko na nagpapa-interview sa media.

Tinanong ni Boy kay Sharon ang kinaroroonan ng kanyang asawa.

“My husband, Jose Nestor Dacera, is always with me. He’s just around the corner.

“Presently, he’s part of the AFP Reserve Force, Philippine Navy/Marine reservist and a president of our club, the Kiwanis Club of General Santos. He’s retired from San Miguel Corporation.”

Tuluyan nang napahagulgol ng iyak si Sharon nang itanong ni Boy ang mga kinatatakutan niya sa imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ni Christine at kung saan siya humuhugot ng lakas.

Continue reading below ↓

“Sir Boy, bilang isang nanay, sa nangyari po sa anak ko, kapag hindi po siya nabigyan ng hustisya, ‘yan ang malaking fear ko po.

"At isa pa, kapag hindi po nabigyan ng tamang hustisya ang nangyari sa anak ko, ilang inosenteng babae ang katulad niya ang makararanas na naman ng ganoon na nangyari sa isang pamilya?

“It’s so hurting, Sir Boy, I don’t want it to happen again.

“I keep praying every day and calling the name of Ica [palayaw kay Christine ng pamilya niya], 'Please help Mama because meron ka pang tatlong kapatid, anak.'

"Pero I need to fight for justice… that will prevail at mananagot kung sino ang may kasalanan. May tatlo pa akong anak.”

INSURANCE CLAIMS, UNIFORMED PALLBEARERS ISSUE

Ang makuha ang insurance para kay Christine na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso ang isa sa mga malisyosong isyu na ipinupukol kay Sharon, kaya hindi umano nito matanggap na natural cause ang ikinamatay ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

Hindi sinayang ni Boy ang pagkakataon dahil hiningi niya ang sagot ni Sharon tungkol sa malisyosong isyu.

Ipinaubaya naman ni Sharon ang pagsagot kay Atty. Brix Reyes.

“This insurance policy that they’re referring to has not been applied for by the Dacera’s for the simple reason that they dispute the certificate of death of Dr. Sarmiento,” reaksyon ni Atty. Reyes.

Ang medico-legal officer na si Police Major Michael Sarmiento ang doktor na tinutukoy ni Reyes dahil siya ang nag-embalsamo sa bangkay ni Christine.

Inamin din ni Sarmiento na walang pahintulot ng pamilya Dacera ang kanyang ginawa.

“In order to be able to apply for benefits, you have to submit a certificate of death to the insurance company,” patuloy na paliwanag ni Reyes.

“We did not have that certificate of death approved by the Civil Registry of Makati because we dispute the findings. Otherwise, we would have implied they have accepted the findings.

Continue reading below ↓

"So there’s no application for benefits. She has not received a single centavo from this alleged policy.”

Iginiit naman ni Sharon na hindi ang insurance ni Christine ang isyu.

Aniya, “Para sa akin, Sir Boy, hindi insurance ang pinag-uusapan natin dito, yung hustisya para sa anak ko.

“Pwede siguro akong mangutang ng two million pesos, mabuhay pa kaya nila si Christine, yun ang tanong ko?”

Sinagot din ni Sharon at ng legal counsel niyang si Atty. Jose Ledda III ang akusasyon ng netizens na tumanggap sila ng VIP treatment mula sa Philippine National Police (PNP).

Sa Camp Crame kasi ibinurol si Christine at mga unipormadong tao ang nagbuhat sa kabaong nito nang ihatid noong January 10 sa huling hantungan nito sa Forest Lake Memorial Park sa General Santos City.

“Kung malakas kami sa PNP, sana hindi kami nahihirapan ngayon sa paghahanap na malutas yung kaso namin. Nahihirapan kami, e,” katuwiran ni Sharon.

Continue reading below ↓

Paliwanag naman ni Atty. Ledda, “Walang VIP treatment galing sa kapulisan yung pamilya ng Dacera. Yung mga nakita ninyo sa social media, sa news, na tumutulong sa pamilya sa GenSan, mga reservist po sila, mga kaibigan nina Mrs. Dacera.

"Yung pagtulong nila ay respeto at pakikiramay sa pamilya, hindi po siya VIP treatment.”

Naniniwala naman si Atty. Brix Reyes na may magandang patutunguhan ang imbestigasyon sa kaso ni Christine at hindi mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng dalaga.

“I think something good will come out of this event.

"Christine’s death will not be totally meaningless because I believe that there are many Christines in this country who are victims of sexual molestation, who are not given an opportunity to defend themselves, and to expose the crimes that have been committed.

“So hopefully from Christine’s death, we will be able to address a drug problem and hopefully, defend and protect our women in this country.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaunlak ng interview si Sharon Dacera (kaliwa), mga abugado, at kaibigan nito sa YouTube show ni Boy Abunda na The Boy Abunda Interview Special (kanan).
PHOTO/S: Screengrab from The Boy Abunda Interview Special
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results