Sinigurado ni Miss International 2016 Kylie Verzosa na hindi ang boyfriend niyang si Jake Cuenca ang karelasyong nagbigay sa kanya ng kalituhan at frustration.
Kaugnay ito ng pahayag ni Kylie nang tanungin siya kung naranasan na niyang magkaroon ng boyfriend pero parang hindi naman sila.
"I think I’ve been in a relationship na parang magulo at nakakabaliw kapag hindi niyo alam kung ano ba kayo," balik-tanaw ng beauty queen-turned-actress.
"So, para sa akin, very confusing, nakaka-frustrate. I can go crazy kapag hindi ko alam kung ano ba tayo kasi mas gusto ko na may concrete label.
"Yes, I’ve been through one, and I’ve learned from that."
Ayaw na raw ni Kylie maulit iyon.
"Pero parang naging kami naman, eventually.
"I think every relationship makes you learn and become a better person.
"Hindi ako magiging who I am today without that part of my life."
Nakapanayam si Kylie sa Zoom presscon ng Parang Kayo Pero Hindi, ang digital movie na pinagbibidahan nila nina Xian Lim at Marco Gumabao.
Mapapanood ito sa VivaMax, ang streaming service ng Viva Entertainment, simula sa February 12, 2021.
Sa VivaMax din ipalalabas ang suspense-thriller na The Housemaid, kunsaan si Kylie rin ang lead actress.
Ang magkasunod na pagbibida ni Kylie sa pelikula ang nagbigay ng idea sa iba na siya ang “face of the movie,” isang obserbasyon na ikinagulat pero ikinatuwa ng dating beauty queen.
"Face of the movie?" nasorpresang reaksiyon ni Kylie.
"I guess I’m very honored, starting from becoming a beauty queen 'tapos actress, hindi siya madali dahil ang tingin sa 'yo ng tao beauty queen.
"But, unti-unti kong sinusubukan na tanggalin yung image na ‘yon, 'tapos ipapakita ko sana kung sino talaga si Kylie.
"Or in this case, kung sino si Daphne"
Daphne ang pangalan ng karakter ni Kylie sa Parang Kayo Pero Hindi.
Patuloy ng dalaga, "So feeling ko, masasabi ko naman na makikita niyo dito o sa mga susunod na ibang proyekto, iba sa Kylie na nakilala ninyo as Miss International.
"Sana ma-appreciate niyo siya."