PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Caridad Sanchez wants to see the bachelor John Lloyd Cruz

Anak ni Caridad Sanchez, ibinahagi ang pag-uusap nila tungkol kay John Lloyd.
by Jojo Gabinete
Published Feb 1, 2021
Hindi pa natutupad ang kahilingan ng veteran actress na si Caridad Sanchez na makitang muli o makausap sa telepono ang aktor na si John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi pa natutupad ang pangarap ng veteran actress na si Caridad Sanchez na makausap sa telepono o magkita sila muli nang personal ni John Lloyd Cruz.

Nakukuntento muna si Caridad sa panonood ng lahat ng mga pelikula ng aktor na gumanap na apo niya sa Tabing-Ilog, ang youth-oriented series na napanood sa ABS-CBN mula March 14, 1999 hanggang October 19, 2003.

Isa sa mga kahilingan ni Caridad ang magkaroon sila ng komunikasyon ni John Lloyd.

Napabalita noong October 2020 na may dementia si Caridad, at kinumpirma ito ng kanyang panganay na anak na si Cathy Sanchez Babao.

Naging malapit sa isa’t isa sina Caridad at John Lloyd nang magkasama sila sa Tabing-Ilog kaya ang aktor ang madalas na nababanggit ng veteran actress, sa kabila ng matagal na panahong hindi nila pagkikita.

Apparently, busy pa si John Lloyd na nagdeklara ng hiatus mula sa showbiz mula pa noong October 2017 kaya hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataong makausap si Caridad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na matutuwa si John Lloyd kapag nalaman nitong ang mga pelikula niya ang pinanonood ni Caridad.

Ito ay ayon sa Facebook post ni Cathy na may hashtag na #Caring Chronicles.

Dinalaw ni Cathy ang kanyang ina kahapon, January 31, at ang mga sumusunod ang naging takbo ng pag-uusap nila sa kanilang mother-and daughter-bonding:

Mom (Caridad): Ang guapo talaga ni John Lloyd.

Me (Cathy): Kaya paborito niyo. Mahilig kayo sa guapo.

Mom: Ay oo! Sino iyang babae?

Me: Sarah Geronimo po.

Mom: Puede na...

Mom: Binata pa ba si John Lloyd?

Me: Opo. Hinihintay ako.

Mom: Oh hala sige. Puntahan natin.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa natutupad ang kahilingan ng veteran actress na si Caridad Sanchez na makitang muli o makausap sa telepono ang aktor na si John Lloyd Cruz.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results