Cristine Reyes at Diego Loyzaga, bida sa Philippine remake ng Encounter nina Song Hye Kyo at Park Bo Gum

by Jojo Gabinete
Feb 3, 2021
Cristine Reyes and Diego Loyzaga will reprise the roles of Song Hye Kyo and Park Bo Gum in the Philippine remake of the hot K-drama series Encounter.
PHOTO/S: Instagram

Magkakaroon ng Philippine adaptation ang Encounter, ang 2018 South Korean drama series noong 2018 na pinagbidahan nina Song Hye Kyo at Park Bo Gum.

Si Song Hye Kyo ang lead actress ng hit K-dramas na Descendants of the Sun at Full House.

Si Park Bo Gum naman ay napanood sa mga K-drama na Reply 1988, Love in the Moonlight, at Record of Youth.

Ang Encounter ang isa sa highest-rated Korean dramas sa cable television history ng South Korea.

Ang Encounter ay tungkol sa dalawang taong may agwat ang mga edad—mas matanda ang babae kesa sa lalake—na nagkagustuhan pero may mga hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga ang mga magbibida sa Philippine adaptation ng Encounter.

Si Cristine ang gaganap sa role ni Song Hye Kyo, at si Diego ang magbibigay-buhay sa karakter na ginampanan ni Park Bo Gum.

Sa tunay na buhay, anim na taon lang ang tanda ni Cristine kay Diego kung ikukumpara sa labindalawang taonng age gap nina Song Hye Kyo at Park Bo Gum.

Continue reading below ↓

Kukunan ang mga eksena ng Encounter sa Subic at sa Ilocos Norte.

Bilang pagsunod sa health protocols, mananatili muna ng limang araw sa isang hotel para sa required quarantine laban sa COVID-19 ang mga artista at cast ng TV series na mapapanood sa TV5 simula sa March 21, 2021.

Si Jeffrey Jeturian ang direktor ng Encounter at sisimulan ang taping nito sa February 10, 2021.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes and Diego Loyzaga will reprise the roles of Song Hye Kyo and Park Bo Gum in the Philippine remake of the hot K-drama series Encounter.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results